Nagising ako sa ingay na naririnig ko galing sa veranda hindi ko pala nasara ang pinto kaya rinig na rinig ang ingay sa labas
Pag tingin ko sa oras sa side table ay mag aalas syete palang ng umaga bumangon ako at tinungo ang verandaNakita ko si sophia at may mga kasama siya. Apat na lalaki at dlwang babae.
Naghahabulan ang tatlong lalaki habang ang isa namay nakasandal lang sa gilid at pinapanuod sila. Napatingin sa akin si sophia at kumaway dahilan kaya nag tinginan din yung mga kasama niya"Kenjie Hi, gusto mo ba sumama samin?"
Umiling lang ako at sumenyas na papasok na sa loob ng aking kwarto
Tumango siya at ngumiti
Tinungo ko ang side table dahil tumunog ang phone ko may tumatawag sakin unknown number"Hello?"
"Kenjie si sophia to nakuha ko number mo kay tita yellie, mamaya pag uwi ko ipapasyal kita sorry kung maingay kami shhhh guys naistorbo niyo si kenjie ang ingay niyo kasi ang aga aga" rinig ko pang dagdag niyang sabi sa mga kaibigan niya
"Yun nga maaga na kaya dapat gising na siya"
Rinig ko pang sabi ng isang boses ng lalaki"Shhhh Cal ano kba bago lng siya dito hindi pa siya sanay sa maagang pag gising" pang sasaway nman ni sophia
"Sophie sino ba siya? Kaano ano mo siya?"
"Pinsan ko siya guys papakilala ko rin siya sa inyo sa ibang araw dito na siya titira and i heard dito narin siya mag aaral"
"Oh wait kenjie pasensya na bsta mamaya ha save mo number ko bye" at pinatay na niya yung tawag ni hindi manlang ako nakasagot
Pumunta ulit ako sa veranda at nakita ko silang naglalakad nag hahabulan parin yung tatlong lalaki at si sophia kasama yung dlwang babae habang yung isang lalaki naiiwan sa likod
May hawak siyang bola at nakasuot ng jersey mukang mag babasketball sila
Napailing nlng ako at napag pasyahang maligo at bumaba na upang mag almusal
Naabutan ko si mommy at tita cara na nag aalmusal nakabihis sila pareho mukang may pupuntahan humalik lang ako sa mga pisngi nila at nag simula narin kumain"Kenj aalis pla kami ng tita mo pag tapos mag breakfast ah nabanggit nya kasi sakin na pwede akong mag volunteer doctor dito sa lugar nila dahil mukang kailangan nila ng marami pang volunteers okay lng ba sayo?" Sabi ni mommy
"Okay lang po ma basta po huwag po kayo masyado mag papagod at ingat po kayo ni tita" tugon ko sabay tingin sa kanila ni tita cara
"Yes kenjie sasamahan ka nman ni sophia mamaya dba nabanggit niya na ililibot ka niya para maging pamilyar ka sa lugar kaya mag enjoy ka lang habang bakasyon pa okay?" Sabi naman ni tita cara
"Yes po tita" at nag patuloy na kami sa pagkain at maya maya lang hinatid ko narin sila sa sasakyan
8:30 pa lang ng umaga kaya naisipan ko icheck ang phone ko at marami na pla akong messages galing sa mga kaibigan ko sa manila
May mga missed calls rin siguro ganun na nila ako namiss isang araw pa lang naman napailing na lang ako sa naisip ko
BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...