XXI

0 0 0
                                    

Naging masaya ang gabi namin puro tawanan asaran na para bang matagal na kaming magkaka kilala lahat. Hindi ko akalain na magkakaroon pa pala kami ng kaibigang apat dahil noon pa man hindi na talaga kami nadagdagan, ewan ko ba. Pero noon pa talaga kami kami lang ang magkakasama at okay na kami pero ngayon iba, mas masaya pala pag marami kayo.

Tinignan ko lang sila isa isa at lahat sila nakangiti, tumatawa sa mga jokes ng dalawang clown namin ngayong gabi.

Napatingin ako kay Cali, ngumingiti rin naman pala siya akala ko kasi pati pag ngiti ay hirap siya hindi nga lang siya tumatawa. Mukhang mahirap patawanin ang isang to. Napailing na lang ako sa naiisip ko at uminom ulit ng beer pero pag tapos na pag tapos ko lagukin ang beer ko ay saktong pag salubong nanaman ng tingin namin ni Cali bigla akong nabilaukan at napaubo ubo.

Biglang hinagod ni lory ang likod ko habang tinatanong kung okay lang ba ako, tumatango ako at napatingin ng masama kay Cali na nakangiti lang sakin at umiiling iling. Nang asar pa nga! One of this days kakausapin ko siya at tatanungin ko kung ano bang problema niya sakin. Tinatak ko yun sa isip ko para matapos na.

Kung titignan mo kasi si Cali parang hindi niya naman ugaling mang asar at ngumisi ngisi eh. Okay naman siya sa iba bakit pag dating sa'kin iba siya? Speaking of kung titignan siya. Hindi naman nagkakalayo ang tangkad namin dalawa pero siguro matangkad lang siya ng konti, moreno siya, makapal ang kilay at matangos ang ilong mapula ang labi at kapansin pansin yung Adam's apple niya. Ako kasi walang Adam's apple ewan ko kung bakit.

Lahat silang magkakaibigan ay moreno siguro dahil laking probinsya at matatangkad din pero si kyle ang medyo maliit pag nadidikit sa kanila. Kami rin tatlo nila lester at andrew ay matatangkad at mapuputi dahil laking syudad naman. Siguro pag tumagal tagal maging moreno rin ako tulad nila ewan ko lang kung bagay sakin hehehe

Pansin ko lang ang pagiging hindi magkasundo nila crisha at kyle ang lakas kasi mang asar ni kyle kay crisha at todo todo naman ang pamumula neto sa inis kay kyle. Naka dagdag pa ang pag tawa tawa ni lester na parang sinusuportahan si kyle sa pang aasar palibhasa gawain niya kay loryleigh eh.

Maya maya lang din ay inaya na ni crisha si sophia na mag pahinga dahil medyo tinatamaan na sila. Sumunod na rin si lory at may pahabol na bilin sa amin dahil kilala niya kami puro kalokohan sa mga ganitong sitwasyon. Um-oo lang kami sa mga sinasabi niya pero ang totoo wala na kaming naintindihan sa lahat ng yon. Gusto nlng namin na magpahinga na siya para hindi na niya kami masermunan hehehe

Si loryleigh kasi ang taga awat at taga saway samin dahil madalas talaga kami gumawa ng kalokohan. Para namin siyang mommy dahil ang mga kilos niya madalas pang mommy's duty hahaha. Inaasar nga namin siya at lagi siyang pikon kaya madalas sinusumbong niya kami at hindi pinagtatakpan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon