Saktong pababa na kami ni jasmine ng hagdan ng dumating si sophia

"Kenjie ano tara na? Pasensya kna kanina ah magugulo lng tlga yung mga kaibigan ko pero mababait nman sila" sabi niya sabay ngiti

"Okay lng sophia, nagpasama pala ako kay jasmine mag ikot dito sa bahay para may magawa ako kanina"

"Oh ganun ba salamat jas"

"Wala po yun mam. Puntahan ko na po si Nanay sa kusina maiwan ko na po kayo" sabi naman ni jasmine

"Salamat jasmine" ngumiti na lamang siya at umalis na

Lumabas na kmi ng bahay ni sophia at nag simula kami mag ikot sa likod ng mansyon may swimming pool pala dito hndi lang kita dahil natatakpan ng malaking bahay
"Dito madalas nagkakaroon ng party noong nabubuhay pa si mamita sayang hindi mo siya nameet mabait siya at makwento." Ngiti niya ng may bahid ng lungkot
"Nagkaroon lang kasi sila ng konting problema noon kaya siguro hindi kayo nakakabisita dito, anyway tapos na yun sigurado naman akong masaya na ang mamita dahil andto na kayo"

Ngumiti lang ako at sumunod lang sa kanya
Papunta naman kami ngayon sa farm daw at nakita ko naman yung malawak na taniman busy rin ang mga tao sa kanya kanya nilang ginagawa pero sa tuwing nakikita nila kami ay binabati nila kami at pinapakilala rin ako ni sophia. Ngumingiti lang ako sa bawag pag bati nila, ang saya nila pagmasdan halata mo sa kanila na masaya sila sa ginagawa nila
Gusto ko ulit maramdaman yung pakiramdam na yon. Yun bang masaya ka sa ginagawa mo nakalimutan ko na kasi simula ng mangyari

"Kenj tara, ayos ka lng ba?" Biglang tanong ni sophia. Bahagya akong natigilan pero ngumiti rin sa kanya

"Ayos lang may naisip lang ako" tugon ko

"Ganun ba sige last na tong pupuntahan natin mukhang pagod kana, Malapit na rin mag lunch kaya umuwi na tayo pag tapos neto. Tara"

"Sige" nagtungo kami sa medyo malayo layo ng parte ng farm hindi naman siya masyadong malayo pero kung titignan medyo tago narin siya. Narating din namin yung tinutukoy niyang lugar kwadra pala ng mga kabayo siguro hindi lalagpas sa sampu ang kabayong nandito may itim, puti at kulay brown.
Lumapit si sophia sa puting kabayo at hinaplos haplos ito umamo naman ang kabayo mukang gustong gusto siya
Lumingon sakin si sophia at ngumiti
"Ito nga pala si Fara kabayo ito ni mamita palagi itong malungkot ng mawala si mamita nararamdaman nya rin sigurong wala na si mamita sa hacienda. Halika kenjie subukan mong hawakan mabait naman to"

Hinawakan ko rin ito at medyo napakislot ito kaya nagulat ako pero sandali lang at umamo ulit

"Gusto ka niya kenjie, alam mo bang hindi siya nagpapa hawak sa iba" natatawa niyang sabi at nagulat ako doon pero hinayaan ko nlang.

Pagtapos namin mag ikot doon ay napag pasyahan na nming umuwi
Madami palang kwadra doon ibat ibang mga hayop din ang inaalagaan nila, kasama sa negosyo nila tita cara
Para may mapag usapan ay nag tanong tanong na lang ako kay sophia ng mga bagay bagay para hindi masyadong tahimik habang nag lalakad kami.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon