XI

1 0 0
                                        

Papatunayan ko sa lalaking to na magaling ako at hindi nakabase sa mood ko ang paglalaro.

Ang sarap lang sa pakiramdam ang makapag laro ulit, nabubuhay ang dugo ko dahil sa paglalarong to, hindi ko akalain na makakapag laro ako kahit ngayon lang, isa lang. Susulitin ko ang oras na to dahil alam ko ito na ang una't huli ko.

Nagiging mainit na yung laban dahil magagaling sila. Lalo na yung cali na yon may ibubuga pala siya. Hindi rin naman ako nag patalo at pinakita ko ang galing ko para hindi mapahiya sa kanila.

Nararamdaman ko na yung pagod at kinakapos narin ako ng hininga pero kaya pa, kaya ko pa naman. Muli akong nakapuntos ng malagpasan ko ang depensa ni cali. Todo cheer naman sila Sophia at mga kaibigan niya at hindi ko napansin marami ng nanunuod samin.

Hindi naman sinasadyang magkabungguan kami ni cali dahil sa depensa niya sabay kaming bumagsak dahil pilit niyang inabot ang pag puntos ko sana ng 3 points sa ring. Mas naramdaman ko yung pagod ng mga sandaling yon unti unti akong nahihilo nang subukan kong tumayo kaya natumba ako. Inabot sakin ni cali ang kamay niya kaya napatingin ako doon at unti unti rin ang pag angat ng tingin ko sa mukha niya na seryoso pero may bahid ng pagkalito sa kinikilos ko. Hindi na ako nag alinlangan at tinanggap ko naman yon. Ngunit hindi ko naman akalain na malakas ang pwersa ng pag hila niya hindi ko natibayan ang tindig ko kaya ang ending nag dikit ang mga tungki ng ilong namin sa sobrang lapit namin sa isat isa, agad naman akong napalayo dahil sa gulat at siya naman ay natulala. Parehong hindi inaasahan ang nangyari.

Dahan dahan akong humakbang at tumalikod ngunit bigla na lang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at napahawak dito sa sobrang sakit. Ito yung sakit na hindi ko makakalimutan at hindi ko akalain na mararamdaman ko ulit. Unti unting nanlabo ang paningin ko at Nakita ko nalang na tumatakbo palapit sakin sila Sophia ng magdilim ang lahat sakin. Gising pa ang diwa ko at handa na sa pag bagsak pero alam ko may sumalo sa akin bago talaga ako mawalan ng malay.

Naririnig ko ang pag uusap ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko maidilat ang mga mata ko, napapahawak na lang ako sa dibdib ko dahil bahagya itong kumikirot pero hindi na tulad kanina yung sakit. Naririnig ko si mommy at tita cara na nag uusap pati narin si Sophia na nagkekwento ng mga pangyayari at alam ko papagalitan ako oras na idilat ko tong mga mata ko pero hindi ko naman to matatakasan kaya idinilat ko na ng tuluyan ang mata ko.

Nakita ko na kung ano ang nangyayari sa paligid ko mukhang wala kami sa Bahay, hindi rin naman ito mukhang ospital tingin ko nasa isa akong clinic na pinag vovolunteer-an ni mommy at tita cara.

Nakita ko din na nakaupo sa gilid ng kama si cali, nag salubong ang mga mata namin pero nauna na akong nag iwas dahil masyado siyang malalim kung tumingin hindi ko kayang labanan.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon