XII

0 0 0
                                        

Napatingin sakin sila mommy dahil sa pagtikhim ni cali ng malakas nakakainis naman talaga. Agad lumapit sakin si mommy kasunod si tita cara upang tignan ang lagay ko pagkatapos ay tinignan nila ako ng masinsinan, yung para bang kinekwestyon yung mga desisyon ko sa buhay.

Alam kong grabe ang pag aalala nila para sakin at alam ko din na pinipigilan lang ni mommy na pagalitan ako sa pag aalinlangan na hindi pa maayos ang pakiramdam ko, tumingin lang din ako sa kanila at nagpaamo ng mukha na alam kong hindi nila matatanggihan pero umiwas sila ng tingin at inasikaso ang mga gamit na hindi naman dapat asikasuhin sadyang ayaw lang nila magpadala sa pagpapaawa ko.

Pagkatapos ng lahat ay umuwi na kami ng walang kibuan, nakikiramdam lang si sophia sa nangyayari at hindi na lang din kumikibo. Nang makarating sa bahay ay hinatid nila ako sa kwarto at hindi parin ako iniimik kaya mas lalo ako nakokonsensya sa ginawa ko.

Hindi na ako nakatiis at agad niyakap si mommy at humingi ng sorry sa ginawa ko

"Ma sorry po, hindi ko na po talaga uulitin"

"Bakit mo naman kasi ginawa yun anak? Alam mong bawal na at makakasama sayo, gusto mo ba talaga akong patayin sa pag aalala?" Ani ni mommy habang umiiyak kaya mas lalo akong nakonsensya sa ginawa ko.

"Sorry po wala po akong idadahilan ma pero promise po hindi ko na po talaga uulitin, sorry ma"

"Hindi mo na talaga dapat ulitin kenjie anak dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyari sayong masama, alam mo nman na ikaw na lang ang meron ako kaya ng malaman natin ang sakit mo ay grabe na ang takot ko please naman anak isipin mo naman ang mommy ha?" Sabay hawak niya sa pisngi ko at tingin ng nagsusumamo.

Naalala ako ang sakit ko. Totoo naman ang sinabi ni sophia hilig ko na ang mag basketball sa dati kong school at active din ako sa lahat ng sports simula grade school hanggang highschool, natigil lang ng malaman namin ang sakit ko ng minsang mahimatay ako sa gitna ng laro noon sa school.

May sakit ako sa puso katulad ng sakit ng mama ko hindi si mommy yellie, ang totoo niyan si mommy yellie ay tita ko kapatid siya ng mama ko na namatay noong mismong araw ng panganganak sa akin. May sakit si mama sa puso at alam niyang ikamamatay niya ang pagbubuntis sa akin pero pinilit parin niya kaya siya ngayon ang nawala dahil sa akin at ngayon namana ko pa pala ang sakit niya kaya si mommy yellie takot at nasasaktan dahil sa kalagayan ko.

Okay naman ako hindi nga lang pwede mapagod ng husto at bawal na ang sports na pinaka mahirap tanggapin dahil yun na ang buhay ko. Sa sports nabubuhay ang dugo ko at sa basketball nagiging masaya ako pero hindi na pwede, kanina nung nakapag laro ako sobra sobra ang saya ko pero binawi rin ng maramdaman ko nanaman yung sakit na hindi ko maipaliwang. Inuubos ang lahat ng lakas ko at nawawalan ako ng malay sa sakit.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon