1 week na ang nakalipas ng lumipat kami dito sa probinsya at medyo sanay narin ako sa oras ng pag gising, sa paligid at sa mga nakakasama sa bahay.
Noon kasi kami lang tatlo talaga ang nasa bahay nila mommy at tita at doon ako nasanay pero ngayon na nararamdaman ko na marami na kaming makakasama ay unti unti narin akong nasasanay. Pero habang tumatagal unti unti narin akong nababagot dahil wala akong mapagkaabalahan.
Minsan tumutulong ako sa farm para malibang at nakakabonding ko narin yung mga tao doon, masaya silang kasama at marami akong natututunan. Nakabisado ko narin ang bawat sulok ng bahay, nakapag libot libot sa farm at ang pinaka kinaaaliwan ko ay nasubukan ko na rin ang makapag paligo ng kabayo. Giliw na giliw sa akin ang mga tao doon dahil siguro naaaliw silang makita akong tuwang tuwa sa pagpapaligo ng kabayo at sinasabi nilang para akong bata eh bata pa naman talaga ako.
Pinaka nakasundo ko talaga ay si Mang cardo madami akong natututunan sa kanya at minsan ay nabanggit nya na balak nya akong turuan mangabayo kaya mas lalo akong naeexcite at hindi ko na namamalayan ang mga araw na lumilipas dahil sa pagiging abala ko din sa pagkatuto sa mga bagay na ngayon ko lang talaga nalalaman.
Papunta ako ngayon sa kwadrahan dahil ngayon ko balak mag paturo sa pangangabayo kay Mang cardo. Malayo pa lang ay nakita ko na siyang abala sa pagpapakain ng mga kabayo
"Magandang umaga po Mang cardo"
"Oh andyan ka pala kenjie magandang umaga naman sayo" bati niya rin sa akin.
"Mang cardo pwede niyo na po ba akong turuan mangabayo? Kung hindi lang naman po kayo abala" napapakamot kong sabi kasi nahihiya ako na baka maabala ko siya sa kanyang mga gawain
"Hindi naman tapos na akong mag paligo at mag pakain ng mga kabayo kaya sa tingin ko ay marami na akong oras para maturuan ka"
"Salamat po Mang cardo"
Hinintay ko lang siyang ihanda ang kabayong gagamitin ko at sabay kaming nag lakad sa malawak na damuhan at may binigay lang siya sa aking mga safety gears para maging safe narin ako kung sakaling magkaroon ng aksidente (huwag naman sana)
Sinimulan niya na akong turuan, sa pag sakay pa lang ay hirap na ako dahil sa balanse pero tinuturo nya naman sa akin ang tamang pag apak at pag sakay dito. Hindi rin naman nag tagal ay natutunan ko na at hindi na ako masyado nahihirapan pero hindi ko naman kayang kontrolin pa ang kabayo dahil sabi ni Mang cardo nararamdaman daw ng kabayo pag kinakabahan o natatakot ang nakasakay dito. Pinipilit ko naman na hindi maramdaman ang mga yon pero hindi ko talaga mapigilan.
Nagulat ako ng biglang maging alerto ang kabayo habang nakasakay ako kaya agad akong napakapit kasi bigla na lang itong tumakbo ng mabilis papunta sa isang direksyon na hindi ko masyadong maaninag dahil sa pagka hilo sa mabilis na takbo nito. Unti unting nanlabo ang paningin ko at para akong masusuka sa bilis ng pangyayari, naramdaman ko ang unti unting pag bagal ng takbo ng kabayo at unti unti ko narin nakikita ang direksyon na tinungo ng kabayo ng bigla naman itong inabante pataas ang dalawang paa neto sa unahan dahilan para sa unti unti ko ring pag bagsak pahiga sa damuhan at handa narin sana ang likod kong masaktan pero wala naman akong naramdamang matigas na babagsakan kundi isang malambot na bagay kung bagay nga ba ang nabagsakan ko ay hindi ko alam dahil sa gulat sa mga pangyayari.

BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...