Naging mabilis ang paglipas ng mga araw sa probinsya, wala akong ibang pinag kaabalahan kundi ang mag libot sa paligid ng hacienda at tumulong sa mga manggagawa doon. Natuto narin ako magpa takbo ng kabayo at wala namang nangyaring aberya.
Ngayong araw ay napag desisyon ko naman na maglibot sa labas ng hacienda. Bago sa paningin at susulitin ko narin habang bakasyon pa. Napadpad ako sa Plaza kung tawagin nila, maaliwalas talaga at payapa ang lugar kaya ang sarap lang sa pakiramdam, bumibili din ako ng tinda sa paligid ng plaza dahil para kasi siyang park at maraming nag titinda sa bawat gilid. Habang nag lalakad lakad ako ay napadpad ako sa malaking court na sa tingin ko ang pinaka magandang spot na pag ganapan ng mga event sa lugar na ito.
Nakita ko si Sophia at yung dalawang babaeng kaibigan niya mukhang nanunuod sila ng laro ng basketball. Habang papalapit ako ay naalala ko nnman yung isang bagay na matagal ko ng iniiwasang isipin, ayokong isipin dahil ikalulungkot ko lang.
Naisipan ko ng umalis sa lugar na yon dahil ayokong makaalala lang at malungkot ngunit sa hindi naman inaasahan sa pwesto ko pa gumulong ang bola pag minamalas ka nga naman. Hindi ko na sana papansinin at aalis na ng tuluyan kaso nakalapit na si Sophia sakin
"kenj wait, huwag ka muna umalis" pag pigil ni Sophia at hinawakan pa ako sa braso
"Ano kasi nag iikot Ikot lang naman ako ngayon para maging pamilyar sa lugar"napapakamot sa ulo ko nnmang sabi.Nakita kong palapit na yung isang lalaking kaibigan niya
"Hello pare Jiro nga pala kung naalala mo. Gusto mo ba sumali samin maglaro?"alok sakin ng isa sa kaibigan ni Sophia.
"Oo nga kenj sali ka sa kanila bonding narin para hindi ka mabored sayang naman ang pag punta mo dito kung hindi mo masubukan mag laro dito sa court namin" dagdag pa ni Sophia
Umiling ako agad sa pag tanggi "Uhm Sophia next time na lang siguro"
"Bakit naman pare? hindi kba marunong? madali lang naman tuturuan ka namin, diba pre?" biglang baling niya dun sa kyle na agad tumango tango din sa pag sang ayon.
"Naku marunong siya, Inadd ko siya sa facebook nakikita ko yung mga photos niya varsity player siya ng school nila sa manila at baka nga mas magaling pa siya sa inyo dahil MVP din siya" Nagugulat akong napalingon dahil sa narinig kong sabi ni Sophia. Paano niya nalaman ang mga yon? Ang facebook account ko mukhang hindi ko naprivate hays.
Labis labis na ang pag tanggi ko "Sophia pasensya na, Pare wala kasi ako sa mood ngayon na mag laro"
"Bakit ba pinipilit niyo yung taong ayaw naman mag laro? sinasayang niyo lang oras niyo diyan. kung gusto niya at talagang magaling siya hindi basehan ang mood sa paglalaro ng basketball" Bigla bigla na lang talaga siya sumusulpot at nakikisali pa sa usapan. Ang Cali na napatunayan kong may galit nga talaga sakin.
"Cal ano kba baka wala lang talaga siya sa mood" Sophia
"Oo nga pare masyado naman yata mainit ang ulo mo" Jiro
"Huwag niyo na kasing pilitin kung ayaw at sayang din ang oras" Dagdag pa niya pa.Hindi ata titigil ipamukha sa akin na sinasayang ko ang oras nila
"Kenj ano sige na sali kna bonding narin at para mas makilala mo kami please kenj?"Nakakahiya ng tumanggi at hindi na maganda ang timpla ng mukha ng cali na yon kaya napa OO na lang ako. Bahala na.
Nag simula na ang laro at kakampi ko yung Jiro at Harvey at may dalawa pang hindi ko na matandaan ang pangalan at sa kabilaang team naman ay si kyle na parang clown kung makangisi at yung cali na yun at dalawa ring member nila.
Maayos naman ang naging laro nung umpisa nagkakagitgitan lang madalas dahil pag nasa akin na ang bola grabe kung mag bantay ang lalaking pinag lihi ata sa sama ng loob ng nanay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/265672997-288-k282350.jpg)
BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...