XVI

1 0 0
                                    

Tuwang tuwa si mommy at tita cara dahil buhay na buhay ang hapag kainan sa dami namin. Tawanan at kwentuhan lang napaka daldal kasi ni lester hindi nahihiya ang baliw at sige lang ang kwento ng kung ano ano.

Maya maya rin ay napag usapan na ang pag sama namin kila sophia sila na daw ang bahala samin kaya um-oo na lang ako.
Pagkatapos kumain ay lumipat naman kami sa sala at nag kwentuhan naging malapit agad si andrew at jiro siguro may something in common yan at seryoso ang usapan sumasali paminsan minsan si cali sa kanila.

Ang pwesto namin ay sa isang mahabang sofa lima ang kasya nakaupo doon sila jiro, andrew at cali pati narin si harvey at si dana mag jowa ata sila ang katapat ng mahabang sofa ay isa pa ulit na katulad ng kanila nakaupo naman sila lory, sophia at crisha kasama si kyle na ginugulo si crisha habang sa dalawang sofa na solo na magkatapat din ay kami ni lester.
Nagpapababa lang kami ng kinain para di mabigla sa pag lalakad maya maya.

Tumayo si lester at lumapit sakin. Inaaya niya ako lumabas at tignan daw namin si damon agad naman akong pumayag dahil nakalimutan ko siya dahil sa mga nangyayari. Hindi na kami nag paalam dahil busy silang lahat.

Agad akong umangkas kay damon at pinaandar ito, ibang klase talaga ang nabibigay nitong saya sakin.

"Ano ayos ba? Si lory ang kumausap kay tita yellie para dyan. Ginamitan ng strategy at ng pagiging close nila ni tita" lester

"Iba talaga ang convincing power ni lory hehe mamaya ililibre ko siya or tatanungin ko siya kung anong gusto niya para makabawi"

"Hmmm ikaw pa malakas ka don sa pinsan kong yun lahat gagawin para sayo iba talaga"

Bigla naman ako napaisip dahil don. Totoo. Lahat nga ng pwedeng maitulong sakin ni loryleigh ay ginagawa niya basta kaya niya, nararamdaman ko naman na may iba pero ayokong tukuyin dahil ayoko lang. Bsta.

"Namiss ko tuloy si makiboy ko baka naman KD pa drive?"

"Ops hindi pwede alam mo yan"

"Baka lang naman hehehe baka mag bago ihip ng hangin"

"Malabo sa sabaw ng bigas les alam mo naman ayoko talaga ipagamit sa iba si damon ko"

Totoo yun, walang ibang nakasakay o umangkas kay damon dahil ayoko. Hindi ko alam pero ayoko talaga mula noon pa man hanggang ngayon. Gusto ko ako lang ang gagamit sa kanya at ako lang at wala ng iba.

Maya maya lang din ay naririnig ko na silang nag lalabasan.

"Uy ang astig naman niyan kenj" harvey

"Oo nga, ang angas niyan pre ah" kyle

Pinalibutan nila si damon ko, sa isip isip ko'y sige lang basta walang sasakay hehehe

"Sayo ba to pre?" Tanong ni jiro

"Oo hehe ayan lang pinayagan ni mommy na magawa ko alam niyo na" sabi ko sabay hawak sa batok ko

"Nako mahabang kwento kung paano namin nadala yan dito" sabi ni lory

"Ah kayo pala nag dala, mahaba haba pa nman ang lalakarin natin simulan mo na mag kwento" sophia

"Oo nga naman" dana at crisha

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon