Hindi parin maalis ang tuwa ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Sumakay ako at pinaandar ang motor ko ibang saya talaga ang nararamdaman ko pag nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin.
Maya maya lang ay nakita ko si mommy na papalapit agad akong bumaba sa motor at pinuntahan siya para yakapin
"Ma thankyou po" sabay kiss sa pisngi niya hehehe
"Anak ha napapayag lang nila ako dahil naisip ko rin na ayoko naman mawala lahat ng nakasanayan mo at mabawasan ang lungkot mo pero kejie ha alam mo na kung ano ang mga bawal okay?" Mommy
"Opo mmy mag iingat po ako at hindi makikipag karera para po okay ang puso ko. Ayos ba mmy?"
"Yes tita hindi na po kami magkakarera promise po" lester
"Opo tita alam po namin ang mga bawal kay kenjie hindi po kami magpa pasaway" andrew
"Huwag po kayo mag alala tita andito po ako isusumbong ko sila pag nagpasaway sila" lory na talagang loyal kay mommy
Tumango tango naman ako at tumingin kay mommy. Napailing iling na lang siya sabay ngiti samin.
"Kayo talaga, kilala ko na kayo basta a promise is a promise"
"Yes po" sabay sabay naming sabi
"Oh siya tara na at mag agahan at alam kong gutom na kayo"
Papasok na sana kami ng biglang dumating ang mga kaibigan ni sophia. Oo nga pala routine pala nila ng ganitong oras mag jogging at basketball.
"Goodmorning po" sabay sabay nilang bati kay mommy
"Oh kayo pala yan cali si sophia ba? Hindi pa siya bumababa. Nag almusal naba kayo? Sumabay na kayo samin tamang tama"
Tatanggi pa sana sila pero nakapasok na si mommy sa loob kaya wala silang nagawa
"Tara na pasok kayo" sabay tingin ko sa mga kaibigan ni sophia. Sabay sabay kaming pumasok at naabutan namin si sophia na pababa ng hagdan
"Oh guys andto na pala kayo goodmorning" naka porma siya ng pang jogging at naka tali ang buhok. Ngumiti siya sakin at sa mga kaibigan ko
"Hello goodmorning ako nga pla si sophia pinsan ni kenjie" sophia nakikipag shake hands kay lory
"Goodmorning! Im lory kaibigan ni KD at sila naman si lester pinsan ko at si andrew" pakilala ni lory. Aalma pa sana si lester pero siniko na siya ni lory kaya ayon tahimik ang baliw
"Ah sophia mga kaibigan ko sila sa manila mag babakasyon sila dito hehe"
"Ah ganun ba nice! Pwede namin kayong i tour kung gusto niyo, by the way sila naman ang mga kaibigan ko si cali" sabay lapit niya kay cali at hawak sa braso nito sabay pakilala din sa iba pa niyang kaibigan
"Si jiro, kyle, harvey at si crisha at danna"
Nagbatian silang lahat at nag shake hands. Naputol lang ang pag uusap dahil tinawag na kami ni manang kaya nag punta kaming lahat sa dining. Buti na lang at mahaba ang dining namin kaya nag kasya kaming lahat.
"Buti naman at nagkakilala kayong lahat, tama yan para makapag bonding kayo at sophie baka pwede mo naman sila i tour dito satin" tita cara
"Actually tita na offer ko na po sila inaantay ko nlng kung payag sila. Kenj ano? Sama kayo samin?"
"Ah sige sige. Kailan ba?" Tanong ko at tingin kila lory pero mukhang ayos lang naman sa kanila. Ayoko sana kasi baka di rin ako mag enjoy dahil kay cali nakaka ilang kasi siya pero bahala na, bat naman ako maiilang wala naman akong ginawang mali sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...