XVIII

1 0 0
                                        

Pagkatapos mapag usapan ang plano ay nagsi uwian narin ang lahat. Agad na dumiretso si sophia sa kusina para siguro sabihan si manang sa mga dadalhin namin mamaya, tinanong ko siya kung may maitutulong ako pero kaya na daw niya kaya hinayaan ko na lng siya.

Tumambay na lang kami sa veranda sa kwarto at nag usap sa mga nangyari sa kanila habang wala ako. As usual puro kalokohan at gala ang inatupag nilang tatlo. Napag usapan din namin ang mga kaibigan ni sophia paminsan minsan nag tatanong sila pero hindi ko naman masagot kasi hindi ko pa naman sila lubos na kilalang lahat.

Nang sumapit ang alas dos ay nakarinig kami ng katok at agad ko naman tinungo yun, si sophia pala

Ngumiti siya samin "Guys mag ready na kayo. Wear your comfortable clothes kasi 30 minutes tayo maglalakad bago talaga marating yung place pero promise worth it naman"

"Sige sophia salamat ah sa pag sama samin hehe" ako sabay hawak sa batok ko kasi nahihiya ako dahil sobrang iniisip niya talaga kami

"Oo nga sophia salamat hindi kami mag rereklamo swear, sanay kami sa mga journey dba guys?" Lory sabay tingin samin nila les at andrew. Agad naman sumang ayon ang dalawa.

"Okay sige mga hapon pa ang uwi din natin bukas ah para enjoy talaga, huwag kayo mag alala sa foods at iba pang needs natin naka ready na lahat. Iready niyo nlng din yung mga personal things niyo ha" sabi pa niya samin. Nagpasalamat ulit kami bago niya kami iwan dahil mag aasikaso narin pala siya.

Hinatid ko lang sila sa magiging kwarto nila habang nag stay sila dito. Mag kasama sa iisanf kwarto si Lester at Andrew at solo naman si Lory. Iniwan ko na sila para makapag ready narin ako ng gamit ko para sa overnight camping namin.

Inasikaso ko lang yung duffle bag ko siguro kasya na dito tatlong tshirt at dlwang short at isang Pj's ko. Pagkatapos ay toiletries naman tuwalya at isang slippers then naligo na ako nung sa tingin ko naayos ko na ang mga gamit ko.

Pagkatapos ko maligo ay nag hanap naman ako ng susuotin ko na magiging kumportable ako sa mahaba habang lalakarin namin. Nag suot lang ako ng pants na black stretchable para kumportable at simpleng gray shirt then rubbee shoes na pang jogging hehe okay na siguro to. Konting pabango at ayos ng buhok at ready na ako.

Dmiretso na ako sa baba dahil 3:30 na andoon na rin siguro yung tatlo. Tamang tama nga na pagbaba ko ay andoon na sila, suot ang sa tingin ko pinaka komportable nilang damit. Buti na lang at may baon pla silang mga damit hindi naman sila handa ano? Napailing nlng ako dahil sa naiisip ko.

Hinintay lang namin si sophia at maya maya lang din ay dumating na siya kaya sabay sabay na kami lumabas. Nasa mga eco bags yung mga dadalhin naming pagkain mga apat na bag din bitbit ko yung isa, kay lester isa din at dalawa kay andrew. Dumating narin ang sasakyan kaya isa isa namin nilagay yung mga gamit sa likod at sumakay na kami patungo sa boundary na sinasabi ni sophia.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon