XVII

0 0 0
                                        

Habang nag lalakad ay kinuwento naman ni lory kung paano nila nakumbinsi si mommy na madala si damon dito at hindi rin maiwasan na mapag kwentuhan ang buhay namin sa manila.

"Naku sikat yang tatlo sa school namin dahil varsity player sila at active sa sports. Teka may mga club ba dito sa school niyo?" Lory

"Hmmm meron din naman varsity player din yan silang apat captain si cali active din kami sa sports dito kaya pag pasukan busy nnman kami sa kanya kanyang ginagawa" kwento rin ni sophia

"Malapit lang ang school dito pwedeng lakarin pero baka mapagod kayo kaya next time na lang, dito na lang tayo sa plaza." Dagdag pa ni sophia

"Hmmm gaano katagal na kayo magkakaibigan sophia?" Bigla ko lang naisip itanong

"Ah simula pagka bata talaga kasi magkakaibigan ang mga magulang namin so nagkikita kami sa mga okasyon since we were kids hanggang ngayon kami kami na talaga ang magkakasama"

"Ah talaga edi ang cool non ang dami niyong memories. Kami kasi grade school nagkakilala at hanggang ngayon hindi na mapag hiwalay" sabi ko naman

Maya maya lang nakarating na kami sa plaza kanya kanya ng pwesto. Yung iba may sarili mundo tulad nung mag jowa si harvey at dana. Habang si jiro at andrew naman busy din sa pag uusap. Ako eto tamang tingin lang sa paligid at bigla kong naalala yung nangyari sakin sa gitna ng court, bigla akong napatingin kay cali na eksaktong nakatingin din sakin.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya napaiwas ako ng tingin. Aga aga napaka sungit niya daig niya pa ang babae ah!

Pumunta na lang ako kila sophia at lory na mukhang magkasundong magkasundo na ngayon.

"KD anong gusto mo?" Lory

"Ah kahit ano tanungin mo nadin sila ako na ang mag babayad" presinta ka

"Ano kaba kenj ako nang bahala" sabi ni sophia

Kaya hindi na ako naka angal at pinabayaan nlang sila. Bumili lang sila ng halo halo para saming lahat, tamang tama sa mainit na panahon.

Kumain lang kami at biglang nag salita si sophia

"Guys gusto niyo ba mag camping mamaya? Diba cal matagal na natin plano yon di lang natutuloy. Ngayon mas marami tayo mas masaya" sophia

"Hmmm go ako diyan hindi naman kami pagod sa biyahe" lory

"Ako rin mukhang masaya yan" lester sabay taas baba ng kilay na akala mo may inaasahang mangyari buti nlng hindi siya napansin ng pinsan niya kung hindi away nnman yan.

"Ano ands? G mamaya?" ako

"Oo naman kung san kayo masaya" andrew sabay thumbs up

"Kayo guys?" Sophia sa mga kaibigan niya

"Kami guys pass muna uuwi kasi si mama galing manila gusto niya sabay sabay kami mag dinner kasama si dana alam niyo na" harvey sabay akbay sa jowa niya.

"Oo sorry bawi nlng kami guys ha?" Dana

"Okay lang marami pang next time" sophia
"Cal dun tayo malapit sa falls ha magkita kita na lang tayo sa boundary"

"Hmm sige anong oras ba?" Cali

"Mga 4pm para maliwanag pa pag nag set up ng tent. So guys settled na ha? Kami na bahala sa foods kayo na nila kyle at jiro sa iba pang kailangan okay?" Sophia

Tahimik lang kaming nakikinig kasi sila naman talaga ang nakakaalam ng mga dapat gawin. Napuno lang ang isip ko ng excitement sa mga mangyayari mamaya.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon