Agad naman kaming inasikaso ni mommy pero wala nman siyang dapat alalahanin sa akin dahil wala naman akong natamong galos kaya nag simula na siyang asikasuhin yung cali na yon
"Ano ba ang nangyari sophia? Bakit ang daming sugat nitong si cali?" Biglang tanong din ni tita cara na kalalabas lng galing sa kusina
"Tita nakita po kasi si cali ni max eh yung kabayo po na sinasakyan ni kenjie kaya po ayon kumaripas po ng takbo papunta kay cali bumagsak po si kenjie pero nasalo po siya ni cali kaya po si cali ang maraming galos" kwento nman ni sophia
"Kenjie anak bakit ka naman sumakay ng kabayo delikado at hindi ka nman marunong" sabi ni tita cara sabay tingin sa akin
"Tita nag aaral po kasi ako matuto mangabayo sadyang ganoon lang po ang nangyari" sabi ko naman
"Kenj anak alam mo nman dba na dapat nag iingat ka dahil-" "Ma ayos lang ako kaya ko naman po" pag putol ko sa iba pang sasabihin ni mommy
Tumikhim na lng si tita cara at pinatawag si manang upang asikasuhin ang snacks para saming lahat. Nandito din kasi ang mga kaibigan ni sophia, naiilang nga ako at tingin sila ng tingin sa akin. Napansin din yon ni sophia kaya sinasaway niya ang mga ito
"Uhm Tita cara,tita yellie at kenjie sila nga po pla ang mga kaibigan ko si JIRO, KYLE at HARVEY po" pakilala niya isa isa sa mga kaibigan niyang mag kakatabi sa isang sofa "at sila naman po si CRISHA at DANA" pakilala niya rin sa dalawang babae nyang kaibigan. Sabay sabay din silang bumati ng magandang umaga kila mommy at tita
"At siya naman po si CALI" sabay baling ni sophia sa lalaking yon na nakaupo sa sofa at inaasikaso ni mommy ang mga sugat
"Oh siya ang lalaki niyo na pala siguro hindi niyo na ako matandaan kasi maliliit pa kayo noon pero masaya ako at kayo kayo parin ang magkakaibigan ngayon. Mag almusal na muna kayo" sabi ni tita cara
"Uhm tita cara salamat po hindi po namin tatanggihan ang alok niyo" sabay bungisngis ni KYLE kung hindi ako nagkakamali mukhang siya ang clown sa barkadahan nila
"Ano kaba kyle hindi kna talaga nahiya" biglang singit naman ni CRISHA
"Nye nye ang aga aga ang init nnman ng ulo mo sakin crishangot sige ka papangit ka niyan" asar naman ni kyle. Mukha yatang hindi magkasundo ang mga to
"Tama na yan guys okay? Ang aga aga" pag saway naman ni sophia at ayon nga tumahimik ang dalawa
Sinamahan na lang sila ni sophia at tita cara sa dining para asikasuhin sa pagkain at ako nlng ang natira kasama si mommy na ginagamot si cali na walang imik. Maya maya nga lng din at natapos na sila
"Okay kailangan mo lang yan inuman ng gamot at bibigyan kita pati narin ointment para hindi yan magka peklat at sayang naman ang balat mo iho" sabi ni mommy
"Salamat po tita"
"Wait lang kukunin ko ang mga gamot mo, Kenjie anak asikasuhin mo si cali at magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sa kanya ikaw ang may ganyan ngayon" sermon pa sakin ni mommy. Umalis na siya ng tuluyan kaya naiwan kaming dalawa ng lalaking to
"Ehem ano salamat pare dun sa kanina" yun nlng ang nasabi ko dahil hindi ko talaga alam paano mag sisimula ng usapan dahil parang ang awkward ng sitwasyon namin at parang ang hirap niyang kausapin dahil kung titignan mo siya parang kailangan mong bilhin ang bawat salitang lalabas sa bibig niya.

BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...