XX

1 0 0
                                        

Pagkatapos ma set up lahat ng gamit ay nag pahinga na muna kami. Its past midnight kaya nag start na sila mag hanap ng kahoy para sa bonfire, hindi rin nag tagal at nakapag pa apoy na dahil nag start na rin kami lamukin. Malaking tulong talaga ang bonfire nawawala ang mga lamok ang lalaki pa naman at ang sakit mangagat.

Ang pwesto namin ay paikot sa bonfire, usap usap tungkol sa buhay ng isa't isa at kulitan narin. Naging close pa ang dalawang kwela sa barkada, si lester at kyle tawanan sila ng tawanan.

"KD okay ka lang ba?" Lory

"Hmmm okay lang ikaw nag eenjoy kaba?"

"Oo naman ang sarap pala dito no? Nakapag adjust kna ba dito? Kamusta naman ang puso mo?" Palaging ganito si Lory sobra sobra ang pag aalaga niya sa'kin ng malaman nila ang sakit ko. Tumitig ako sa kanya at nakikita ko ang sobra sobrang pag aalala niya sa'kin at yung glow ng mata niya habang nakatingin sakin, umiwas ako ng tingin.

Hindi ko kaya ang mga ganung tingin niya sakin. Nakikita ko kasi yung feelings niya, nararamdaman ko at iniiwasan ko kasi alam ko hindi ko kayang suklian yun. Nag tama nanaman ang paningin namin ni Cali, ako naman ngayon ang nag taas ng kilay sa kanya pero nagulat ako kasi ngumiti lang siya at tinuon ulit ang atensyon sa pakikipag usap kila jiro at andrew.

Sinagot ko na lang ang tanong ni Lory sakin "Okay naman ako dito, nakapag adjust at nag eenjoy din naman sa paligid. Kung tungkol sa puso ko naman okay lang din hindi naman talaga ako makakaramdam ng sakit pag iniwasan ko ang mga bawal sakin" sabi ko at napapatulala na lang ako sa apoy sa harapan. Ito yung mga moment na ang sarap mag isip, yung bonfire na nagpapakalma ng isip at sabayan ng tunong ng kuliglig at mahinang pag hampas ng hangin sa balat ko.

Sariwang sariwa ang hangin. Makakabuti nga para sa'kin ang ganito, kalmado ang puso ko.
"Tama yan KD please wag mo nang pag alalahin si tita yellie at kami lalo na't wala na kami lagi sa tabi mo" Lory

"Alam ko naman kaya last na yun hindi na ako gagawa ng ikakasama nito" sabay hawak ko sa bandang dibdib ko "at sa ikakasama ng loob ng mommy" dagdag ko pa.

Nag ngitian lang kami ni lory at sabay na natahimik. Nangibabaw ang tawanan ng dalawag ulupong, ano kayang napagkasunduan ng dalawang to at sobrang tawang tawa sila.

Maya maya ay tumayo si Sophia at kinuha ang atensyon naming lahat.

"Guys sinong umiinom sa inyo? I mean ng beer?" Tanong niya at tingin sa aming lahat.

Nagtaas naman agad ng kamay si lester at mukhang tuwang tuwa pa. Ito ang mga gusto niyan, nag start kami uminom noong 15 yrs old kami patago dahil sa kuryusidad sa lasa ng alak pero hindi namin madalas gawin yon kasi baka mahuli kami at yari kaming lahat.

"Mukhang lahat naman ay umiinom so get yours na and let's cheers to this moment and sa bagong pagkakaibigan" Sophia habang hawal ang can beer at nakataas sa ere.

Agad naman kaming nagsi tayuan at kumuha ng tig iisang can beer. Tinaas namin ang mga can beer at pinag dikit dikit sa ere at sumigaw si sophia "Cheers to this beautiful night and to our friendship?"

Sabay sabay naman kaming sumigaw ng "CHEERS" sabay tawa at kanya kanyang lagok sa mga beer namin.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon