"Sophia dito ka nba lumaki?" Napalingon siya sakin dahil siguro nagulat siya na nag tanong ako
"Hmm Oo, simula ng magkaisip ako ay nandto na ako si mamita lang ang kasama ko simula pagka bata hanggang sa ayun na nga nawala siya. Ang mommy ko kasi nasa ibang bansa may sarili ng pamilya nakakatawa nga na dito siya lumaki pero inaayawan niya ang lugar na to mas gusto niya ang city lights" kwento niya sabay lingon sakin "Ikaw ayos lang ba sayo na andto ka sa probinsya? Alam ko laki ka sa manila kaya nahihirapan ka mag adjust dito"
"Ayos lang naman, kung nasaan ang mommy ko ay andun ako. Kaya ko naman mag adjust dito at isa pa maganda dito, masaya at sariwa ang hangin mababait pa ang mga tao"
"Oo naman mababait ang mga tao dito kaya nga mas gusto ko dito kahit pa pinipilit ako nila mommy na tumira sa states kasama sila."
"Bakit ayaw mo bang makasama ang pamilya ng mommy mo?" Tanong ko pa
"Hindi naman pero hindi ko kasi nararamdamang belong ako sa pamilya niya. Nagbabakasyon ako doon taon taon pinag bibigyan ko narin si mommy bsta hindi ako titira doon kasi andto na ang buhay ko" sabi pa niya at ngumiti nawala nnman ang mga mata niya sobrang singkit pla pag malapitan ang mga mata niya
Nakarating na kami sa bahay at saktong nakahanda na ang tanghalian kaya kumain narin kami at pag tapos ay nag pahinga sa kanya kanyang kwarto. Nakatulog lang ako at ng magising ay alas kwatro na pala ng hapon.
Tumambay lang ako sa veranda at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko sa video call
Tawa ako ng tawa ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko yung lalaking kaibigan ni sophia nakasandal sa puno at nakatingin sa akin
Tiningnan ko rin siya pero hindi talaga siya umiiwas ng tingin kaya pinabayaan ko na lang
Maya maya lumabas narin si sophia at yumakap sa kanya. Napatingin din sakin si sophia at kumaway kaya kumaway nlang din ako pabalikInalalayan nya si sophia na sumakay sa sasakyan niya, mukhang mayaman siya at ang sasakyan niya ay yung jeep wrangler kulay itim na matte. Lumingon pa siya sakin saglit bago tuluyang sumakay sa sasakyan niya at pinasibad yon ng mabilis tsk tsk mukhang kaskasero pa nga.
Kung makatingin ang lalaking yon ay parang kinekwestyon niya ang pagkatao ko sa lugar na to eh.
Hinintay ko lng lumubog ang araw bago ako pumasok sa aking kwarto kasi nagiging malamok narin doon. Nag ligpit nlng ako ng mga gamit ko at nilipat sa aparador ang mga damit ko nag linis din ako ng konti dahil hindi rin naman ako makalat sa kwarto at pagkatapos ay bumaba narin para sa hapunan naabutan ko doon sila mommy at tita cara na nag uusap
Humalik ako sa pisngi nila at nag simula narin kumain. Tinanong lang nila ako tungkol sa naging araw ko at ganun din ako sa kanila
Nakikita kong masaya naman si mommy at tita cara sa lugar na to kaya kuntento na ako don kaya magiging masaya rin ako dito tinatak ko yon sa isip ko.---
Author's Note
Hi po :) Update ko lng na magiging mabagal ang pag usad ng kwentong ito dahil gusto ko talaga namnamain ang bawat scene hehe ansaveh sa namnamin! Sana hindi po kayo maboring!

BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...