Naging okay naman na ako netong mga nakaraang araw, inasikaso at inalagaan ako ng husto ni mommy para masiguro na okay na talaga ako.
Ilang araw akong hindi nakakalabas dahil sa nangyari, madalas na pinagkakaabalahan ko ay ang pagbabasa ng libro sa veranda, doon ako madalas nagpapalipas ng oras dahil maaliwalas at ang sarap pag masdan ng paligid at ang pinaka gusto ko ang simoy ng hangin na masarap sa pakiramdam.
Ngayon pwede na ako lumabas dahil okay na talaga ako gusto ko din dumalaw sa kwadra at namimiss ko ang mga kabayo doon.
Kumain lang ako kasabay si sophia na ilang araw din akong inasikaso dahil nakokonsensya siya sa nangyari sa akin. Sinabi ko naman na okay na ako at wala siyang kasalanan ginusto ko ang nangyari at hindi ko naman pinag sisisihan yon dahil naging masaya ulit ako kahit sandali lang.
Pagkatapos kumain ay sinamahan niya ulit ako. Nakipag kamustahan ako sa mga tao sa farm dahil ilang araw din akong hindi nakaka punta, sinabi rin nila na namiss nila ako kahit pa ilang araw lang yon siguro nasanay sila sa pagiging matanong ko at makulit walang maingay ng nakaraang araw.
Naglakad lakad lang kami ni sophia at nag kuwentuhan sa mga bagay bagay at nung sumapit na ang tanghalian sumabay kami sa mga manggagawa. Nakakatuwa din si sophia kasi hindi siya maarte at madalas nga din siyang nasa farm at tumutulong sa mga tao, akala ko kasi lagi lang siyang umaalis at gumagala kasama ang barkada niya pero sa nakikita ko ay hindi naman siya ganun.
Mag hapon lang kami sa farm at noong sumapit ang hapon ay nag uwian na kaming lahat, kumain ng sabay sabay kwentuhan at pagkatapos ay nag pahinga narin sila mommy dahil marami silang inasikaso.
Kinagabihan tumambay lang ako sa veranda at nag muni muni. Nakipag video call sa mga kaibigan ko at nangamusta nalaman din nila ang nangyari sakin dahil sa kwento narin ni mommy at eto todo sermon sakin si lory dahil matigas daw ang ulo ko, wala naman akong maidahilan dahil mali at bawal naman talaga pero alam niyo naman masarap gumawa ng bawal may thrill hehehe pero syempre biro lang. Una't huli na yon, ayoko ng saktan at pag alalahin ang mommy ko.
Napapaisip din ako sa mga bagay bagay na pwede kong magawa dahil mahaba pa ang bakasyon. Wala akong ibang kilala at wala pa akong kaibigan kaya hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa mga susunod na araw.
Bigla kong naisip ang mga kaibigan ni sophia lalo na yung cali at yung mga titig niya kinikilabutan ako pag naiisip ko kung gaano siya kalalim tumingin, ewan ko ba sa taong yon wala naman akong matandaang ginawang masama sa kanya para ganun niya ako tignan.
Okay naman ang mga kaibigan niya madalas na nakikita ko silang sinusundo si sophia tuwing umaga bonding yata nila ang mag jogging at yung mga lalaki mag basketball.Madalas akong tambay sa veranda kaya nakikita ko sila madalas, kinakawayan naman nila ako at kinakamusta kahit pa nasa taas ako eh palagi parin nila akong binabati. Hindi rin nila ako sinubukan na ayain siguro nasabihan na ni sophia.

BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...