XIX

1 0 0
                                    

Saglit lang at nakarating narin kami sa boundary, malapit lang din pala kayang lakarin pero dahil marami kaming bitbit gumamit kami ng sasakyan. Nakita narin namin sila cali na nag hihintay, nagpasalamat lang kami kay manong sa pag hatid samin at nag kanya kanya na kaming bitbit ng gamit namin pati narin mga pagkain na nasa likod ng sasakyan.

Pagkatapos mag kamustahan at batian ay nag simula na kami mag lakad. Sa una medyo patag pa ang daanan pero di rin nagtagal medyo bato bato na siya. Wala naman nahirapan samin habang tinitignan ko sila paminsan minsan. After mahigit 30 minutes nga ay narating din namin ang lugar 4:30 pa lang ng hapon kaya nakikita pa namin ang paligid.

Sobrang ganda, kanya kanya kami bitaw sa mga bitbit at tingin sa paligid. Napaka payapa ng lugar na to sobrang nakakarelax yung paligid. May ganito pa lang lugar dito sobrang worth it yung pagod naming magkakaibigan. Nakita ko din ang pagkamangha sa mga kaibigan ko, pag tingin ko sa side nila sophia ganun din naman pero hindi tulad samin kasi ilang beses narin siguro sila dito.

Cali's busy with our stuff habang kami manghang mangha pa sa paligid. Nag start na siya mag set up ng tent bawat galaw niya pinagmamasdan ko, nakalimutan ko na yung paligid. Ewan ko ba hindi ko namalayan nakatingin narin siya sa'kin kaya agad akong nag iwas ng tingin at umaktong sa ibang bagay nakatingin. Nahuli kna iwas iwas tingin kpa nako kenjie! Pagsaway ko sa sarili ko.

Ewan ko ba. Palagi niyang nakukuha ang atensyon ko, hindi naman ako ganito sa kapwa ko lalaki madalas, sarili ko lang o barkada ko ang pinaglalaanan ko ng oras ko. Hindi ko rin alam kung bakit palagi kaming nagkakatinginan dalawa, kasi nagsasalubong ang mga tingin namin edi ibig sabihin non tinitignan niya talaga ako at ako tinitignan ko din siya. Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko pero hindi, wala to dala lang to ng kuryusidad sa isang tao. Dahil lang to sa masama niyang tingin ayun lang yon at wala ng iba pa. Tama!

"Guys tara na pagtulungan na natin i set up ang tent" sophia

Kanya kanya kilos naman kami para makatulong. Apat ang tent katulong ko mag set up si lester at si andrew tumulong kay jiro, mukha talagang close na silang dalawa matanong ko nga mamaya kung ano ang naging dahilan ng pagiging close nila. Wala lang curious lang hehe

Habang sila lory,sophia at crisha naman sa isang tent at si cali at kyle doon sa isa. Natapos agad kami mag set up kaya inayos namin ang mga gamit sa kanya kanyang tent at settled narin kung sino sino ang magkakasama sa tent.

Ang mga babae ay inayos na ang mga pagkain sa isang folding table. Nakita ko rin na may maliit na kubo banda sa pwesto namin, napagalaman kong imbakan yon ng gamit pang camping. Nalaman ko rin na ang lupang ito ay pag aari nila cali kaya kabisado niya ang lugar at kaya may mga gamit na kami tulad ng folding table, folding chairs at yung mga tent. Hindi namin dala yun kanina doon pala naka imbak sa maliit na kubo lahat. Ang talino ng nakaisip.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon