II

9 0 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay ni tita cara medyo madilim at hindi ko masyado mapag masdan yung paligid
Ito ang unang beses na nakapunta ako sa probinsya ni tita cara dahil nung umuwi sila last week hindi ako nakasama dahil exam week at inaayos ko mga papers ko sa pag transfer dito.
Siguro bukas mas maaappreciate ko rin ang lugar dahil pinag mamalaki to sakin ni mommy
Hinatid lang nila sa ako sa magiging kwarto ko para makapag pahinga at makapag bihis narin dahil maya maya kakain na kami ng late dinner.
Mag aalas nueve narin kasi ng gabi ng makarating kami dito

Pinag masdan ko ang magiging kwarto ko malaki, mas malaki pa sa dati kong kwarto sa manila purong puti at brown lng ang makikita sa buong kwarto may veranda rin na nakabukas dahil hinahangin ang kurtina
Lumabas ako at nagpahangin
Masarap sa pakiramdam makarinig ng kuliglig at yung pag hampas sa balat ko ng hangin
Ito siguro talaga ang feeling sa probinsya makakasanayan ko rin ito

Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya tinungo ko yon at nakita ko si mommy

"Anak tara na kain na tayo ng makapag pahinga kna ng tuloy tuloy" sabi ni mommy

"Sige po ma" sabi ko at sabay kaming bumaba at pumunta sa dining area naabutan namin si tita cara na tumutulong sa pag aasikaso ng pagkain ngumiti sya samin at lumapit

"Kenjie sila nga pla ang mga kasama natin sa bahay si manang nelia at ang apo niya si jasmine" ngumiti ako sa kanila

"Manang siya naman si kenjie anak ni yellie siguro magkasing edad lang din sila ni jasmine at ni sophia teka manang asan na nga pla ang batang yon?"

"Ay nako cara anak kanina ko pa pinatawag pababa na daw siya"

And speaking of sophia hindi ito nabanggit sakin nila tita at mommy

"Goodevening tita cara namiss kita" ngiti ng isang babaeng tingin ko kasing edad ko lang din
maganda siya, kamukha ni tita cara maputi at singkit na mga mata matangos ang ilong at medyo matangkad
Tumingin siya kay mommy yumakap at humalik sa pisngi

"Hello po tita yellie namiss po kita, kamusta po ang biyahe niyo? im sure napagod kayo. Tapos na po ako kumain pero sasabayan ko parin po kayo"

"Naku anak nakakapagod pero okay lang dahil sa wakas nakarating din kami at hindi na magpapabalik balik. Siya nga pala sophie si kenjie anak ko" pagpapakilala sakin ni mommy

Ngumiti siya at nakipag kamay sakin
"Hi kenjie nice to meet you, sana magustuhan mo dito bukas kung gusto mo ililibot kita sa hacienda tsaka sa iba pang lugar dito" dagdag pa niya

"Nice to meet you din sophia"

"Huwag ka ng mahiya sakin ano kaba bsta bukas after breakfast igagala kita" maganda ang pagkakangiti niya nakakahawa at tingin ko masayahin talaga siya nakakatuwa dahil pag ngumingiti siya nawawala yung mga mata niya sa sobrang pagka singkit

Nagsimula na nga kami kumain at puro kwentuhan lang nila ang nangingibabaw sa hapag, makwento at palabiro si sophia kaya masaya at medyo matagal ang pagkain naming lahat paminsan minsan isinasali nila ako sa usapan pero mas madalas sila sila parin dahil hindi rin ako masyado maka relate sa pinag uusapan nila

Nang matapos ang dinner ay nagpaalam na ako na aakyat na at magpapahinga
Medyo nakakapagod talaga ang biyahe kaya nag asikaso lang ako at nag simula ng matulog.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon