XIV

1 0 0
                                        

Nagising ako dahil parang may nakatingin sakin at sa mga yabag na ngayon ko lang narinig dahil madalas ako lang naman mag isa sa kwarto. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko para lang mabungaran si lory na naka pangalumbaba sa gilid ng kama ko naka indian sit pa ang pwesto niya at nakatitig lang sakin sabay ngiti ng malapad.

"Rise and shine baby boy SURPRISE!!!" lory

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang makita siya ngayong umaga. Pag libot ng paningin ko nakita ko si andrew na nakaupo sa sofa at binabasa ang libro ko habang si lester ayun nasa veranda at nakatanaw sa magandang view ngayong umaga.

Pumasok din agad si lester at abot ang ngiti na lumapit sakin para makipag fist bump

"Goodmorning KD!!! Ang ganda naman dito ang fresh ng paligid. Marami bang chicks dito na kasing fresh ng tanawin?" lester

Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni lory "les napag usapan na natin to diba hindi mo dadalhin dito ang pagiging play boy mo or else"

"Couz naman hindi kna mabiro eh, nag bibiro lang ako KD hehehe" lester

"Wait,wait,wait guys bakit andto na kayo ang aga pa. Anong oras kayo bumiyahe?"

"Hmmm 3am huwag kang mag alala pinag drive kami ni manong ed kaya were safe" lory

"Oo pre walang nag drive samin ni andrew para maging safe kami at alam namin na ganyan ang magiging reaksyon mo" lester

Lumapit narin si andrew at nakipag fist bump sakin at umupo sa paanan ng kama ko

"Ayos lang kami pre natulog lang kami buong biyahe kaya nga alive na alive ang dalawang to ngayon at maraming tulog" andrew

"Mabuti naman, kumain nba kayo? Wait lang at mag aasikaso lng ako sandali hintayin niyo na ako"

"Owkay" sabi nila

Agad naman akong kumilos at ginawa ang mga dapat gawin naligo din ako ng mabilisan para mamaya tuloy tuloy lang ang bonding namin. Pag labas ko ng cr ay naka ready na rin sila at sabay sabay ko na sana silang dadalhin sa dining para mag breakfast pero may gusto daw silang ipakita sakin sa labas ng bahay.

Pag dating sa labas ay nagulat ako sa nakita ko
"SURPRISE, SURPRISE !!!"

Nakita ko si DAMON ang baby ko. Hindi ko alam paano nila napapayag si mommy na madala ito dito sa probinsya pero hindi na importante yon ang mahalaga andito na siya, ang baby ko.

Niyakap ko sila isa isa dahil alam nila kung gaano ako kasaya ngayon hehehe

Si Damon ay isang motor bukod kasi sa pag babasketball ay hobby ko ang mag motor kasama sila lester at andrew. Natuto kami mag motor noong 15 yrs old kami, tinuruan kami ng daddy ni lester kahit pa mga bata pa kami noon mabilis kaming natuto at nag simula rin kaming maadik sa motor bike.

Si Damon a cruiser motor bike nabili ko siya when i was 16 matinding pag kukumbinsi kay mommy pero napapayag ko siya kaya nasa akin na si damon mag 2 years na this year.

Tanda ko pa ang sabi ng daddy ni lester mas astig daw tingnan pag naka motor ang lalaki dahil makikita ang kisig at angas neto, kaya kami namang mga bata ang isip tumatak yun at mas ginusto ng mag motor kesa magka kotse.

The Boy He always NoticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon