Pag dilat ng mata ko nakita kong tumatakbo palapit sa akin si sophia kasama ang barkada niya. Bakit nandito sila? Ngayon pa talaga na nasa matindi akong kahihiyan.
Naramdaman kong gumalaw ang kinabagsakan ko kaya mas lalo kong nakumbinsi ang sarili ko na hindi ako sa damuhan bumagsak o sa bagay na malambot. Unti unti akong lumingon at pag minamalas ka nga naman yung lalaki pang kung makatitig ang nabungaran ko.
Nag tama ang paningin namin at napatikhim siya kaya nanglaki ang mata ko at dahan dahang tumayo.Nakalapit narin si sophia at ang barkada niya at dumiretso agad sa lalaking yon. Tinulungan nila itong tumayo at pinagmasdan ko lng siya dahil alam kong nasaktan siya o napilayan pero mukhang tinitiis niya lang para siguro hindi na madagdagan ang kahihiyan niya sa barkada niya at mawala ang angas niya napangiwi na lang ako sa naiisip ko.
Naramdaman ko ang paglapit ni Mang cardo na hapong hapo sa pag takbo at agad akong nilapitan upang kamustahin at tignan kung nagalusan ba ako
"Kenjie ayos ka lang ba kinabahan ako sayong bata ka" sabay tingin din dun sa lalaking hindi ko alam ang pangalan
"Sir Cali ayos lang po ba kayo? Nako po patingnan natin yang mga galos mo kay mam yellie at baka maimpeksyon"
"Oo nga cal kinuha na ni jiro ang kotse para mas mabilis tayong makarating sa bahay ang dami mong sugat ayos ka lang ba?" biglang sabi ni sophia at lingon din sakin
"Kenj okay ka lang ba wala bang masakit sayo?"
"Ayos lang ako sophia" sabi ko at tingin sa lalaking kanina pa walang imik at nakatitig lang sakin
"Pasensya na pare" Paghingi ko ng pasensya sa nangyari ngunit wala itong tugon at hindi ko alam kung ako lang ba o talagang tumalim ang tingin nito sakin. May nasabi ba akong masama? O baka inis siya dahil sa kanya pa talaga ako bumagsak. Mukhang nakaramdam si sophia ng tensyon kaya pumagitna siya sa amin ng tinatawag nilang Cali
"Cal hindi niya sinasadya nakita ka kasi ni max kaya bigla na lang itong tumakbo palapit sayo"
At may pangalan pa pla ang kabayong sinakyan ko at mukhang malapit sa kanya ang kabayo dahil bigla na lang talaga itong kumaripas ng takbo papunta sa kanya"Mang cardo ayos lang ako paki tignan nlng kung nagka sugat si max" biglang salita nito sa malamig na tinig at tingin ulit sakin
Napapakamot nlng tlga ako sa tuwing tumitingin ito sakin dahil ano bang meron sa mukha ko at tingin to ng tingin? Mas inaalala niya pa ang kabayo kesa sa kanya na puro galos ang natamo sa pagka bagsak namin kanina hays nakakahiya ang nangyari pero wala na akong magagawa nangyari na eh.Maya maya lang ay dumating na nga ang sasakyan at inalalayan nilang sumakay yung cali na yon sa passenger seat at sumunod ay ako na aalma na sana ako at mas pipiliin ko na sana ang mag lakad pero wala na akong nagawa ng akayin ako ni sophia pasakay din sa likod katabi ang lalaking wala namang imik at may galit nga ata sa akin, umikot si sophia at sumakay sa kabilang gilid bale napapagitnaan namin ang lalaking to. Saglit pang nagpaalaman ang mag babarkada dahil mag lalakad nlang ang iba pauwi sa bahay dahil hindi na mag kasya sa sasakyan
Nakarating na kami sa bahay at nakita ko si mommy na nag aabang sa pinto at nag aalalang lumapit sakin para icheck kung may mga sugat ba ako pero wala dahil wala naman tlga akong galos ni isa dahil nasalo nga ako ng lalaking yon. Hindi pa naman nagkakalayo ang taas namin kaya paniguradong nabigatan talaga siya sa akin at nakakahiya yon sa akin na parang babaeng bumagsak pa talaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Boy He always Notice
RomanceIlang pag ibig na hindi masusuklian at ang laro ng tadhana sa kanilang magkakaibigan. Paano kaya nila ito malalagpasan? Tuluyan nga kayang masira ang pagkakaibigang nabuo dahil lang sa kanilang mga nararamdaman? Mangibabaw parin kaya ang kanilang pa...