Chapter 9
The Primus, The Alpha and The Witch
What?
I opened the book and saw that it was an old one. Mayroong mga illustrations doon kasama ang mga I think, paliwanag. While I was scanning through, I remembered how the book was titled.
Ngayon ko lang naisip na hindi ko pa lubos na alam kung bakit nga ba ganon yung tawag sa mga leaders nila dito. It was unusual.
They could've just chosen to call them Mayor or something like that.
I took the book with me and proceeded on finding other books.
Medyo marami na akong nahanap, mayroong tungkol sa Alpha, Primus at Witch. Mayroon ding tungkol sa Full Moon at sa kung ano ano pa.
After I was contented, I made my way to the stairs. Muling umilaw ang hagdan at huminga ako ng malalim bago sinubukang itulak ang shelf. It didn't move though.
Inisip ko ng mabuti kung ano ang maaaring maging pambukas nito. Could there be a key? Or maybe some stick that I can use to make an opening? I can't think of which of that will work though!
Oh! An idea suddenly came up. Paano kung kaya hindi ito nabubuksan ng tulak dahil may kailangang sabihin na magic word?
No. No. No. Ano ba, Zin? Masyado ka nang nadadala ng mga binabasa mo na fiction!
Pero... paano kung ganoon nga? Argh, gawin ko na lang kaya? Besides, there's no harm in trying naman.
I inhaled deeply at tinapat ang kamay ko sa may shelf. I closed my eyes and said, "Open sesame!"
Unti-unti kong iminulat ang mata ko, hoping to see an open passage, or maybe not. Dahil pag-mulat ko ng mata ko ay nakasara pa rin ang shelf. Hayyy.
Umupo muna ako at nag-isip kung paano ako makakalabas. I was thinking of calling Athena or Lola Pais pero baka magtaka sila kung paano ako napunta rito. Wala rin namang way of communication na pwedeng gamitin dito ngayon eh.
I sighed again.
"Zinnia Hyacinth Coronel, ano bang ginawa moooo!" I murmured to my self at narinig ko na parang biglang may tumunog. I immediately stood up.
"Sino 'yan?" I called. Walang sumagot.
Lumapit ako sa may babang hagdan pero wala naman dong tao. So, I went back. Napansin ko na parang may may kaunting liwanag na nagmumula doon. I went nearer and slowly pushed the shelf at nagulat ako nang bigla nga itong magbukas! Agad akong lumabas sa hidden room ng library at huminga ng malalim.
"Sa wakas!" masayang sambit ko at agad nang umalis sa library. I noticed that I've been there for a long time kasi nag-iba na ang kulay ng langit. It's getting darker now. Probably, hinahanap na ako nila Lola pero baka naman din hindi.
Dumiretso ako sa kwarto para sana basahin na ang libro but when I went there, nakita ko si Lola Lori na nandon at mukhang aligaga. When she saw me, agad siyang napahinga ng malalim.
"Saan ka ba galing, iha? Kanina pa kita hinahanap," mahinahong sabi niya sa akin at hinawakan ako.
I hid the book behind me. Napansin ko naman na napatingin siya doon pero agad ring ibinaling sa akin ang tingin ng magsalita ako.
"Sa library po, Lola. Nagbasa po ako, hindi ko namalayan ang oras," saad ko. Ngumiti naman siya sa akin.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, iha. Mahilig ka pa rin sa mga libro," I just smiled and nodded.
"Oh siya, sumunod ka na sa baba at nang makapag-hapunan na tayo," sabi niya. I nodded again and went inside my room.
Ibinaba ko muna ang libro sa may vanity, I'll just read it later. Nagpalit muna ako ng damit at bumaba na. I saw Athena and Lola there in the dining table. They smiled when they saw me at umupo na rin ako para makakain na kami.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...
