Chapter 11

785 30 0
                                        

Chapter 11

Naglalakad si Deidamia kasama ang kaibigang si Emilia. Nakilala niya ito nang lumipat na sila ng tuluyan sa Nemus. Nakatira ito sa Akua na ayon rito ay hindi pinamumugaran ng kanilang uri dahil halos mga tao ang nakatira roon.

"Ibig sabihin, Emilia, ay isa ka ring tao?" Tanong niya sa kaibigan na ikinangiti nito.

"Isa akong bampira, Deidamia," saad nito.

"Isa kang bampira?!" Gulat na saad nito. Ang akala niya kasi ay isang tao si Emilia dahil hindi halata sa kanyang anyo ang pagiging bampira.

"Oo, Deidamia. Hindi lamang napapansin ang aking pagiging bampira sapagkat nasanay na ang aming katawang mag-anyong tao," paliwanag pa nito.

"Ngunit, hindi ba nauubos ang inyong enerhiya at mas naghahangad kayong maka-inom ng dugo ng tao kapag ganon?" Sabi naman ni Deidamia.

"Kagaya nga ng sinabi ko, nasanay na ang katawan namin. Pati sa amoy ng bawat pamilya kaya hindi na kami masyadong naghahangad ng dugo nila dahil ang dugo naman ng mga hayop  ay sapat na para mabuhay kami."

"Mabuti naman kung ganon!"

"Oo nga pala, balita ko ay nililigawan ka ng primus ng Nemus, ah?" Saad naman ni Emilia.

Namula naman si Deidamia ngunit tumango rin ito. Napangiti naman si Emilia.

"Ayos yun, ah! May sasabihin sana ako sa iyong sikreto," sabi ni Emilia.

Napuno naman ng pagkakuryoso si Deidamia.

"Ano yun?"

"Iniibig ko ang Alpha ng Nemus, Deidamia," diretsong sabi nito. Walang magagawa kung magpapaliguy-ligoy pa rin siya dahil alam niyang kalaunan ay iyon rin naman ang kahihinatnan ng kaniyang sasabihin.

"Si Reilly?" Paninigurado ni Deidamia. Hindi niya mapakiwari ang nararamdaman niya dahil parang hindi niya nagustuhan ang pagwiwika nito. May parte sa kanya na hindi nais na may magkakagusto sa kaibigan.

"Reilly pala ang pangalan niya? Bagay na bagay!" masayang wika ni Emilia. Mas lalo lamang naiyamot ang dalaga ngunit hindi niya ito ipinahalata sa kaibigan, o kung yun pa nga rin ba ang turing niya rito ngayong umamin ito na may gusto kay Reilly. 

"Sige, Emilia, Kailangan ko nang umalis," agad na paalam niya. 

Ilang araw pa ay napansin niyang magkalapit na sila Emilia at Reilly. Hindi niya talaga maintindihan kung  bakit may parte sa kanya na humihiling na sana ay hindi ito ang kanyang mate. 

"Deidamia!" masiglang tawag ni Achilles sa dalaga. Agad naman siyang napalingon dito nang makrinig ang boses ng binatang kanyang gusto.

"Achilles!" tugon naman ng dalaga. 

"May dala akong mha bulaklak para sa iyo," at dooon amang napansin ng dalaga ang dala ng binata, isang hyacinth na paborito niyang bulaklak. 

Agad na napuno ng tuwa ang kanyang puso kaya nayakap niya bigla ang binata na ikinagulat nmana ng huli.

Dahan-dahan ay iniyaap din nto ang kanyang kamay sa dalaga at maya-maya pa ay nakarinig sila ng hiyawan. Nakangiting humarap siya nguithindi pala para sa kanila ang hiyawang iyon kundi para kay Reilly at Emilia. Kinakantyawan sila ng mga taong lobo.

"Bagay talaga silang dalawa, 'no?" rinig niyang tanong ng isang bampira. 

"Oo naman! Kita mo naman sa mukha ng Alpha ang saya," saad naman ng kausap nito.

Nakaramdam siya ng yamot ngunit agad naman ding nawala nang maramdaman niya ang hawak ni Achiles sa kanyag baywang. 

"Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ng binata sa dalaga.

Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon