Chapter 18
"Are you okay?"
Napalingon naman ako kay Emy dahil sa tanong niya. Am I okay? I asked myself, too. Simula kasi nung nangyari 'yon isang linggo na ang nakakalipas, mas lalong lumala ang pakikitungo sa akin ng mga estudyante rito, dahil nilabanan ko daw si Khea.
"I am okay, Ems," I said and smiled at her.
Simula rin no'ng nangyari 'yon, mas lalong hindi na lumayo sa akin si Emy. She and her parents were really thankful for what I've done, kahit na hindi naman nila alam kung ako nga ba yung gumamot sa kanila o hindi. Maski ako ay hindi alam kung paano ko naggawa 'yon.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanila na nakita ko si Khea noon, o kung siya nga ba 'yon. Wala pa akong patunay at alam kong kung sasabihin ko ang tungkol doon, mas lalo lang akong pag-iinitan ng mga taong nagmamahal sa kaniya kung malaman man nila 'yon, maaaring sila Pyrrhus at Riley ay maging ganoon din. And I don't want that to happen. I have to gather proofs para malaman nila na hindi naman talaga ako ang masama but the other way around.
"You sure?" tanong ni Emy, nakatingin pa rin sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Do you...perhaps, want to tell me something?" she asked again after a while.
Bahagya naman akong nagulat dahil doon. Am I that transparent?
"I'm sorry....parang ang gulo kasi ng laman ng utak mo, but for some reason, I can't understand or hear what it was," sabi nito at tinanaw rin ang malawak na garden sa harap namin.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Ems, I can't say what it is as of the moment, but I promise you, kapag maayos na, sasabihin ko na sa iyo. Pero I know I can say one thing, I'm so confused kung ano nga ba talaga ako," I sadly said.
Nitong mga nakaraang araw, nararamdaman ko na lang na may kapangyarihan ako, then one moment wala ito doon. It's weird... Alam ko sa sarili ko na simula pa lang ay iba ako sa kanila...I'm not a vampire, nor a wolf, but then, I have powers...which means I'm not a human, either. Palagi kong tinatanong ang sarili ko kung ano nga ba ako kasi pagod na ko.
Certain memories also appear on my mind...and I am certain that it isn't mine...pero kanino?
Ang alam ko lang, kung sino man ang may-ari noon, it is and will always be a painful memory to hold on to.
"You know, Emy kasi, I lived my whole life in Akua, I am surrounded by humans, and in all those years naniwala ako na isa rin ako sa kanila, isa rin kami sa kanila. Then suddenly, an attacked happened, ang sabi nila Mama, ako daw yung hinahanap nung mga umatake... na kailangan naming umalis doon at lumipat dito kasi daw...nandito sila. Pero sino? Their words before they left also confused me. Tapos umalis na sila para daw tumulong doon, then... until now, hindi pa rin sila bumabalik... Hindi ko alam kung maayos ba sila o kung may aasahan pa ba ako na babalik... I want to know... I-I want to know who I really am. But how? Everyone around me seems to know about it pero ayaw naman nilang sabihin? Wala ba akong karapatang malaman kung... kung ano ba talaga ako?" naluluha kong sabi.
Tumingin sa akin si Emy at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry kung ganyan ang nararamdaman mo, Zin."
"Come with me?" tanong niya sa akin at inilahad niya ang kamay niya.
"Saan?" I curiously asked.
"Somewhere that will let you know about yourself," sabi niya at ngumiti.
Naglakad kami ng medyo matagal, mahirap minsan dahil madamo at naka-skirt pa kami dahil ito ang uniform namin. Maya-maya pa ay may tinuro si Emy na daan.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...
