The song used in this chapter is written by the author and any similarities to any existing songs are purely coincidental.
Chapter 22
Parang hangin na biglang nawala ang dalawa sa harapan ko matapos uminom ni Khea ng dugo sa lalaki. The blood is still flowing out of her mouth kaya lumapit ang lalaki at dinilaan niya iyon tapos ay naghagikhikan sila bago umalis. What did I just witness?
Hanggang ngayon na naglalakad na ako papunta kay Deidamia ay hindi pa rin maalis sa isipan ko si Khea at Pyrrhus. Kung may namamagitan nga ba sa kanila o wala. At kung mayroon man, ano ang ginagawa ni Khea kasama ang lalaking iyon? She's cheating...
"Meow," napatingin naman ako sa may paanan ko at nakita doon si Erica, Deidamia's cat.
"Erica," I called her but she just looked at me and walk away.
Para bang sinasabi niya na sundan ko siya pabalik sa baba ng colline but I didn't. Hindi ko pa kailangang umuwi ngayon, ang kailangan kong gawin ay bisitahin si Deidamia. Nagpatuloy ako sa colline at nakita ko doon si Deidamia, hinahawakan ulit ang mga hyacinths na para bang hinihintay ako.
"Zinnia," bati niya kahit hindi pa niya ako nakikita. Maybe she felt my presence.
"Deidamia," bati ko pabalik.
"Why are you here?" she asked me at hinarap ako.
"I want to pay respect. Dapat kahapon pa pero hindi ako nakapunta.."
"Hindi na kailangan, Zinnia. At gusto nga din pala kitang batiin ng maligayang kaarawan. Pero hindi ka dapat nandito, Zinnia. Umuwi ka na," sabi nito at papapikitin na sana ako pero pinigilan ko siya.
"May sasabihin ako sayo—"
"Alam kong may nagpapanggap na siya ang witch, Zinnia. Alam ko. Huwag kang mag-alala dahil hindi na magtatagal at lalabas na rin ang totoo. You don't have to worry. Now, you must go home," sabi nito at pinapikit na ako.
She murmured something and when I opened my eyes, nasa mansiyon na ulit ako.
I just sighed. Bakit kaya nagmamadai si Deidamia na pauwiin ako? Nakakapagtaka dahil dati naman ay hinahayaan niya akong mag-stay sa Colline hanggang ma-bored ako.
Nagdesisyon na lang akong pumasok na sa loob at aakyat na sana nang may napansin akong dalawang bulto ng katawan sa may sala. Lumakas ang kalabog ng puso ko habang pinoproseso ng utak ko ang nangyayari.
My feet is stuck and frozen in spot. Hindi agad ako makaharap sa kanila dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala...hanggang sa narinig ko na tinawag nila ako.
"Zinnia."
I looked at them, tears have started to pool in my eyes as I process the moment seen by my eyes. T-They're back home....
"M-Mama...Papa..." hirap na hirap kong sambit.
"We're home," sabi nila at agad niyakap ako ng mahigpit.
Mas napalakas ang hagulhol ko nang maramdaman ko ang init na nagmumula kila Mama. After so long...I am finally back in their arms.
"Why did you take so long.... I waited for you.... I almost lost my hope... Papa...." I cried.
"Shhh, nandito na ulit sila Papa," tahan sa akin ni papa at hinalikan ang noo ko.
Mama broke apart from our hug and looked at me. She combed my hair before asking me to sit down. Inintay muna nila akong kumalma bago sila nagsalita.
"Zinnia, anak," Papa called me.
Tumingin naman ako sa kaniya at hinintay siyang magsalita. Somehow, the atmosphere suddenly felt serious at kahit na gusto ko pang i-process ang nangyayari ay pinilit kong ayusin ang sarili ko para maintindihan ng maayos ang sasabihan nila.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...
