Chapter 19

667 35 0
                                        

Chapter 19

I am... the witch of Nemus.

Hanggang ngayong nakabalik na ako sa bahay ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ako ang witch...

Hindi ko alam kung paano naggawa iyon ni Deidamia pero nang magpaalam siya sa akin kanina ay pinapikit niya ako, matapos iyon ay namalayan ko na lang na nandito na 'ko sa aking kwarto.

Sa loob loob ko, hindi ko maisip kung ano ang dapat kong maramdaman. Happiness, because finally, I know who I truly am, pero natatakot din ako...na baka maulit yung nangyari noon...na baka hindi ako karapdapat na maging witch. Matagal akong namuhay bilang isang tao kaya alam kong hindi ko alam kung paano kikilos ngayong alam ko na kung ano talaga ako.

Deidamia informed me na hindi ako katulad ng ninuman dahil isa lang ang witch bawat panahon. She told me that the next witch would be born one hundred years after I die. That's one of my worries, too. Na baka mamatay ako bago ko pa man makumpleto ang misyon ko. But Deidamia assured me na hindi 'yun mangyayari.

"Your blood will make the chosen one strong, Zinnia. At dahil doon, madami ang naghahangad na makuha ka, ang dugo mo, at ang kapangyarihan mo. But, they didn't and will never know that your blood, for normal immortals would be nothing, unless it's the person you chose and the rightful one. On your twentieth birthday, kakailanganin mong mamili sa dalawang itinakda kung sino ang nararapat, kung sino ang bibigyan mo ng dugo mo. Your blood being drank is an intimate way of saying that that person loves you. It's also what binds you to them. And I know you'll be able to choose who does."

It's already July now and two days from now, I'll be celebrating my nineteenth birthday. And a year after that, I have to choose the rightful one. May hunch ako kung sino ang kailangan kong pagpilian pero medyo natatawa ako sa isiping 'yon. Napaka-assumera ko naman ata. Alam ko naman na hindi ganoon ang tingin nila sa akin. Hindi nga kami magkaibigan, eh, magkasintahan pa kaya?

Pero siguro... hindi naman sila Pyrrhus at Riley 'yun 'no?

Hindi ko namalayan na nakataulog na pala ako kung hindi tumunog ang alarm. Umaga na pala and I need to go to school now. Hindi ko na rin kasi nakita si Emy kagabi dahil nga sa ginawa ni Deidamia, so I'm a little worried knowing that she got home alone last night. Or maybe, she spent the night there.

"Kuya Lando!" tawag ko.

Lumabas naman siya sa kusina na may hawak pang tasa ng kape, umiinom.

"Oh, Zinnia, ang aga mo atang magising ngayon, ah?" tanong niya at humigop ulit ng kape.

I looked at what he's wearing and saw that he's still in his house clothes. Tumingin naman ako sa orasan at nakitang 5:45 pa lang ng umaga. Ang aga ko nga.

"Ahh, maaga po kasi akong nagising, eh, kaya sabi ko maghahanda na agad ako para di niyo na ako hintayin," sabi ko.

Halos araw-araw akong iniintay ni Kuya Lando kahit alam kong maaga na ako gumigising, mas maaga pa rin siyang nakakapaghanda kaysa sa akin.

"Anong meron?" takang tanong niya sa akin. Umiling na lang ako. Hindi ko rin alam kung anong meron, eh.

Basta ang alam ko lang ay alam ko na kung ano ako. I can finally let all my worries free—for now kasi hindi ko na kailangang magtanong tungkol sa existence ko. I am happy as of the moment and I have to tell Emy about this, too.

Dumating ang 6:00 A.M. at bihis na rin naman si Kuya kaya naman umalis na rin kami. As usual, Athena and Lola Lori came outside to say good bye.

Tanaw ko sa biyahe namin ang colline at kitang kita ko ang nagagandahang mga hyacinth. Simula ngayon ay hindi na lamang si Mama na may Hyacinth rin sa pangalan ang maaalala ko kundi pati na rin si Deidamia.

Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon