Chapter 14
Isang buwan matapos malaman ng lahat ang biglang pagkamatay ni Deidamia ay nag-diwang ng kanyang unang kaarawan si Erica. Hindi ito ang pinaka-magandang araw para iselebra ang kaniyang kaarawan dahil kamamatay lang ng kaniyang ina, pero, wala silang maggagawa kundi ang magpatuloy.
Ilang araw na rin'g walang tigil sa pag-iyak ang bata at palaging hinahanap ang ina ngunit walang maggawa si Reilly. Masakit para sa kanya na makita ang kanyang anak na ganoon,
Tanging ang kuwintas lamang na iniwan ni Deidamia at ang umiiyak na anak ang nakita niya nang umuwi siya pagkatapos marinig ang boses ng asawa sa kanyang isipan.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdb dahil kinakabahan siya ng mga oras na iyon dahil ramdam niyang mawawala ito, ngunit hindi niya inasahan na ito mismo ang kikitil sa sariling buhay.
Mas nagalit siya sa kaniyang sarili dahil alam niyang kung hindi niya ito pinagsamantalahan ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Masaya sana silang tatlong magkakaibigan.
Labis ang pag-sisisi niya lalo na para sa anak. Ni hindi man lamang nito makakasama ang ina sa paglaki niya. At alam niya sa kanyang sarili na kasalanan niya iyon.
Kamukhang kamukha ni Erica ang nanay niya nang nag-dalaga ito na dumating sa punto na napagkakamalan siya minsan na si Deidamia. Ang pagkakaiba lamang ay ang kulay ng kanilang mga mata. Ang kay Erica Rose ay kulay ginto, na minana niya sa kanyang ama samantalang mapusyaw na berde ang sa kanyang ina.
Ang primus na si Achilles ay lubos din ang pag-sisisi nang malamang wala na si Deidamia. Hindi niya maipagkakaila na mahal na mahal pa rin niya ang dalaga kahit na ganoon ang nangyari. Nag-sisisi din siya sa kadahilanang hindi niya binigyan ng pagkakataon ang dalaga na maipaliwanag ang nangyari at ngayon ay walang lakas na alamin ang katotohanan sa dating kaibigang si Reilly. Parang hindi ata niya kakayanin kung ang katotohanan nga ay nakipagtalik siya rito ng bukal sa loob. Galit siya, oo, pero may parte sa kanya noon na gustong itakas na lamang ang dalaga kahit na alam niyang magiging labag iyon sa batas na iniwan ng moon goddess
"Bakit? Bakit kailangan mong bawiin sa akin ang minamahal ko? Hinayaan ko siyang manirahan at magpakasal sa kaibigan ko, pero bakit kailangan niyang...kailangan niyang kitilin ang kan'yang sarili? Bakit?!" nasasaktang saad nito, nasa colline siya ngayon, nag-iisa at nagdadalamhati. Nang maramdaman kasi niyang nawala ang presensya ng dalaga ay agad siyang kinabahan. Agad siyang nagpunta sa colline kung saan niya huling naramdaman ang presensya nito, pero nang nakarating siya doon ay wala na si Deidamia, walang kahit anong bakas ang naiwan kaya naman doon pa lamang ay alam na niya.
Kinitil nito ang kanyang sarili.
***
Nakatayo si Achilles sa tapat ng bintana ng kaniyang opisina. Tanaw niya roon ang colline, namumulaklak na ang mga bulaklak doon, kasama ang mga hyacinth, ang paboritong bulaklak ni Deidamia. Hindi niya alam kung paano iyon tumubo roon lalo na't walang nagtatangkang pumunta roon maliban sa kanya.
"Papa!" Tawag ng binatang si Achilia. Anak ni Achilles kay Emilia.
Ilang buwan matapos ang pagkamatay ni Deidamia ay kinailangan niyang magkaroon ng anak na magsisilbing tagapagmana niya. Masakit para sa kanya na hindi si Deidamia ang magdadala ng anak nila, pero wala na siyang maggagawa kundi ang hilingin na sana sa susunod nilang buhay ay ito ang makatuluyan niya. Na sana ay magkapamilya sila at panunuorin nila ng sabay ang pagtakbo at paglaki ng kanilang mga anak. Tumanda ng magkasama at iwan ang mundo ng masaya.
Ngumiti siya nang makita ang anak, hindi maipagkakaila ang pagkakahawig nilang dalawa. Nagkasundo silang dalawa ni Emilia na magpakasal, at mag-kaanak. Alam nilang pareho na wala silang nararamdaman para sa isa't isa dahil may mahal silang iba na di na maaaring maging kanila.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...