Chapter 17
What just happened?
Umayos ako nang tayo, nakatingin sa mga tao na ngayon ay pinapalibutan kaming tatlo. May ilan na masama ang tingin sa akin nang nakita ang kalagayan ng babaeng nakasabunot sa akin.
Some are whispering to each other as they stare at us.
Napahawak naman ako sa aking sentido dahil bigla naman akong nahilo sapagkat parang naririnig ko ang lahat ng iniisip nila. I can see their eyes, how they look at me and what they think about me.
"She dared fighting with Khea? Anong tingin niya, kaya niya yon?"
Malakas ang pintig ng puso ko habang umiikot ang tingin ko sa kanila, hinahanap sila Mama. Para sana ilabas na ako rito, para ialis ako. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa nangyayari.
"Please...make it stop..." I begged to no one.
Tinakpan ko na ang tenga ko dahil hindi ko na ata kayang marinig ang lahat ng sinasabi nila sa akin kahit na hindi naman sila nagsasalita but even with the cover, the noise didn't stop. Nararamdaman ko ang paglabas ng luha ko sa aking mata. This scene made me remember a very painful past.
"Taksil na babae! Hindi ka dapat pinakasalan ng Alpha!"
"Alam niyo bang nakipagtalik yan sa Alpha habang may relasyon sila ng Primus? Makakapaniwala ba kayo doon?"
"Hindi siya nababagay sa kahit sino!"
"Pasalamat siya pinakasalan pa rin siya ng Alpha kahit na alam niyang malandi ang babaeng 'yan!"
"Nakakapagsisi na iniidolo ko siya noon! Kadiri!"
Maya-maya ay naramadaman ko ang sakit ng aking katawan, tumunghay ako at napansin na....binabato na pala nila ako.
"Pakiusap, tama na..." sabi ko, nakaharang ang mga kamay sa harapan ko, umaasang map-protektahan ako nito.
"Zin! Zin!" narinig kong tawag sa akin ng isang boses.
Humarap ako sa tumatawag sa akin. Mas lalo lamang akong napaiyak nang makita kong nakatayo roon si Emy. She was wearing her pajamas at kita ko ang pawis niya sa katawan. Nakita ko rin ang ilang kasambahay na naroon, para bang sinundan nila si Emy papunta rito, nag-aalala.
"Calm down, it's okay," she said as she hugged me. Umiyak ako habang yakap niya ako.
Ramdam ko pa rin ang init niya na mas mataas kaysa sa normal, may sakit pa rin siya but she went all the way here... for me.
"Shh, calm down, Zin," she said.
"I'm sorry but I have to do this to you," sabi nito at hinalikan ako sa noo.
The voices slowly went away, and I felt tired. Kahit na pinipilit ko'ng buksan ang mata ko ay hindi ko kaya. My eyes closed and the last thing I saw was Emy smiling at me while I'm in her arms.
***
I woke up feeling a little better. Napansin ko na nasa isa akong kwarto, pero hindi ko 'to kwarto, ah?
Napatingin ako sa tabi ko nang napansin na may tao roon. Si Emy.
I smiled, nakakunot ang noo niya, panigurado ako na masama pa rin ang pakiramdam niya. I felt happy knowing that she can go that far for me. Pero hindi ako natutuwa na kailangan niyang isa-alang-alang ang sarili niyang kalusugan para sa akin.
"Don't do that next time," I whispered.
The door suddenly opened and I saw a woman that looks exactly like Emy. So, she's probably her mom dahil may napapansin din akong pagkakahawig niya kay...Red.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...
