Warning: This chapter may contain scenes that some may find uncomfortable. Read at your own risk.
Chapter 12
"Deidamia!" tawag ni Reilly sa dalaga.
Mag-lilimang taon na mula nang sagutin ni Deidamia si Achilles at natutuwa siya dahil binigyan niya ng pagkakataon ang binata. Ang mga araw na kasama niya ito ay ang pinakamasayang araw para sa kanya.
Nilingon ng dalaga ang binata na tumatakbo palapit sa kanya.
"Deidamia..." tawag nitong muli nang tuluyan na siyang makalapit sa dalaga.
"Reilly," tugon naman nang huli.
"Si Achilles?" tanong nito at inilibot ang tingin sa paligid, kailangan niyang siguraduhin na wala ang kaibigan.
"Ah, may pagpupulong siyang dadaluhan. Bakit mo natanong?" sagot naman ng dalaga.
Bakas sa mukha nito ang pagkakuryoso sa katanungan niya.
"Magaling..." bulong ni Reilly sa kanyang sarili.
Alam ng binata na may nararamdaman sa kanya ang kaibigang si Deidamia at siya rin sa sarili niya ay alam na may nararamdaman din siya rito.
"Ano 'yun?" tanong ng dalaga dahil hindi niya narinig ang winika nito.
"Wala, tara sumama ka sa'kin," saad niya at hinila na ang dalaga.
Kahit na gusting malamn ni Deidamia kung saan sila pupunt ay hindi na siya nagtanong pa dahil malaki naman ang tiwala niya sa kaibigan at nagpaubaya na lamang kay Reilly.
Sa loob niya ay siguradong ang nararamdaman niya noon kay Reilly ay paghanga lamang. Hindi nito kailanman kayang tumbasan ang pagmamahal niya kay Achilles.
Medyo malayo ang nilakad ng dalawa hanggang nakarating sila sa isang tagong lugar. Dinala ng binata ang dalaga sa isang lugar na hindi madalas puntahan ng ninoman. Napakunot naman ang noon g dalaga dahil doon.
"Uh, Reilly—" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang pinaglapat ng binata ang kanilang labi.
Nanigas sa kinatatayuan si Deidamia at nang makabawi ay agad niyang sinubukang itulak ang kaibigan, ngunit dahil sa lakas nito ay hindi niya maggawang tuluyang maitulak ang huli kaya naman nagpumiglas siya sa hawak nito.
Idiniin lalo ni Reilly ang sarili sa dalaga hanggang mapasandal ito sa puno. Tumutulo ang luha mula sa mata ng dalaga habang patuloy na inaangkin ng kaibigan ang labi niya... o kung kaibigan nga ba talaga si Reilly sa kanya.
"Reilly! T-tumigil ka na—" pagpupumiglas nito at ibinuhos ang buo niyang lakas para palayuin si Reilly sa kanya.
"Hmm, hindi, Deidamia," tanggi nito at inamoy-amoy ang leeg ng dalaga.
Patuloy naman sa pag-iwas ang huli.
"Matagal na kitang gusto.. hinayaan ko kayo ni Achilles," may talim sa pagkakasabi nito sa pangalan ng kaibigan.
"Pero ngayong alam ko na hihingin na niya ang kamay mo ay hindi ako makapapayag!" nanlilisik ang mga mata nito nang tiningnan si Deidamia.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ng dalaga hanggang sa mamula ito. Ngumisi ito sa sarili at tiningnan ng nakakatakot ang dalaga. Ang mga mata nito'y purong ginto pahiwatig na ang kanyang lobo ang may control sa katawan nang binata.
"Akin ka lang, Deidamia! Akin!" saad nito at hinagkang muli ang dalaga.
"Déjame ir," (Let me go) sinubukan niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan ngunit dahil hindi buo ang kanyang loob dulot ng paghihinayang niya sa pagkakaibigan nila ng binata.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantastikDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...