Chapter 13
"Deidamia.." mahinang tawag ni Reilly sa dalaga.
Ngayon ang araw ng kanilang kasal. Matapos malaman ng mga mamamayan ng N emus ang nangyari ay agad na pi-nlano ang kanilang kasal. Ang mga bampira ay galit na galit dahil sa pagtataksil na ginawa ng dalawa ngunit ni isa sa kanila ay walang nakakaalam ng totoong pangyayari.
Nakahiga pa rin ang dalaga sa kama habang yakap nito ang tuhod. Hindi siya makakain at makatulog simula nang huli nilang pag-uusap ni Achi.
Sobrang sakit ng kaniyang puso habang iniisip na hindi siya pinakinggan ng sinisinta at hindi binigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang nangyari. Hinusgahan agad siya nito.
"Deidamia, patawad," paghingi ng paumanhin ng binata.
Pang-ilang ulit na niyang humingi ng tawad ngunit kahit anong tugon ay wala siyang natatanggap mula sa dalaga. Alam niya ang pagkakamali niya matapos mabawi ang kontrol sa kanyang katawan sa kanyang lobo.
Nakatulala lamang si Deidamia sa kawalan.
"Patawad," muling sabi ni Reilly at lumabas na ng kwarto ng dalaga.
Nag-aalala siya sa kalagayan nito at ng... kanyang anak. Bagaman may parte sa kanya na nagdiriwang dahil ang minamahal niya ang nagdadala ng anak niya ay punong-puno siya ng pag-sisisi.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana binigyan ng pagkakataon si Logan para magkaroon ng kontrol sa katawan ko. Isip niya.
Ngunit huli na ang lahat. Sira na ang reputasyon ni Deidamia dahil siya ang pangunahing inaakusahan ng pagtataksil kahit na wala namang ginawa ang dalaga.
Malakas ang kutob ng mga bampira na si Deidamia ang nang-akit sa binata kaya may nangyari sa kanila at dahil sa paniniwalang iyon ay nakatanggap si Deidamia ng pagbatikos.
***
Pumasok sa loob ng kwarto ni Deidamia si Emilia. Gusto niyang malaman ang lagay ng kaibigan kahit na may kaunti siyang pagtatampo rito dahil sa nangyari.
"Deidamia," tawag niya sa dalaga na hanggang ngayon ay tulala pa rin.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Ilang taon na silang magkaibigan at hindi niya matiis na makita na ganito si Deidamia. Nangangayayat na ito at masama ito lalo na sa lagay niya.
Kahit na ang dinadala ni Deidamia ay anak ni Reilly at hindi ni Achilles ay kailangan pa rin niya itong pahalagahan dahil anak pa rin niya ito.
"Deidamia, ayusin mo ang sarili mo," saad ni Emilia.
Narinig naman niya na biglang umiyak ang dalaga, ito ang unang pagkakataon na nakitaan niya ito ng emosyon mula nang pumutok ang balita tungkol sa kanilang pagtataksil. Alam din niya ang istoryang umiikot tungkol dito at minsan ay napapaisip siya kung totoo nga bang si Deidamia ang nagsimula ng pagtataksil.
"Tumahan ka. Makakasama iyan sa iyo at sa bata."
"Ayoko! Tama na! Pakiusap...." nanghihinang saad ng dalaga.
"Deidamia!" Inalog niya ng bahagya ang kaibigan para magising ito sa halusinasiyon niya.
"E-emilia..." tawag ni Deidamia.
"Emilia! Tulungan mo ako!" Niyakap ni Deidamia ang kaibigan habang humihingi ito ng tulong.
"Deidamia. Tumigil ka. Alam kong alam mo ang kalagayan mo," saad ni Emilia.
Nagulat naman si Deidamia at dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Emilia.
"Alagaan mo ang sarili mo para sa anak m--"
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...
