Chapter 10
"I don't know! Bakit hindi niyo itanong d'on sa Khea na 'yon? In the first place, she was the one who made her eat the shrimp kahit na tumanggi na yung tao!" I heard someone said.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. My throat felt a litt better than earlier na. I tried to sit and I saw that I am in the school clinic and there was Emy with Red and Rico. Huh, bakit sila nandito?
Emy saw me kaya tinulungan niya akong umupo.
"How do you feel?" tanong niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba akong hindi maganda. Wala na naman masyado except sa medyo nangangati pa rin ako.
"Hmm, maayos na, Ems. Just a little bit of itchiness." I said and smiled at her.
"Good thing! Alam mo ba kung gaano ako kinabahan kanina? I really thought something really bad happened to you! Mabuti na lang nadala ka agad ni Cole!" nag-aalalang sabi niya. She even held my hand and squeezed it a little.
Napangunot naman ang noo ko. I don't know who that Cole guy is pero I am certainly sure that I have to thank him later on. Sino nga naman ba ang makapagsasabi kung ano ang posibleng nangyari sa akin if I wasn't rushed early.
"Ang sabi sa amin ng nurse you really had an allergic reaction. Sa hipon daw. Do you know that you're allergic to that?" tanong niya sa akin.
I shook my head, "Hindi ko 'rin alam na allergic pala ako sa shrimp. As far as I know kasi, I haven't eaten that food before until earlier, eh. Siguro kaya gano'n ay dahil nga sa allergic ako."
"Hmm," She nodded.
"Zinnia," I heard Red called. Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya.
"Hmm?" I asked. Nagtataka pa rin ako kung bakit sila nandito. I am not expecting na nandito sila para sa akin dahil alam ko na hindi naman sila aabot sa ganitong effort sa mga hindi nila kaibigan.
He sighed, "We contacted your guardian already, papunta na sila rito."
I slowly nodded my head. Nakakahiya naman kila Lola Lori, naabala pa sila dahil sa akin.
"Are you sure you're fine?" sabat naman ni Rico. I looked at them, bakas sa mata nila ang pag-aalala, but for who? For me? Hindi na ako aasa.
"Yup," I said and smiled a little.
Namayani sa amin ang katahimikan matapos ang sagot ko'ng iyon. It was kinda awkward for me dahil napapansin ko rin kay Emy ang ilang sa dalawa. I don't know why but it seems that I don't have the rights to question her as of the moment.
Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto ng clinic. I saw the nurse there who smiled at me as she was followed by Lola Lori with Athena and Kuya Lando. Pansin sa kanila ang pag-kabalisa at pag-aalala sa akin. Grabe, they all went here, huh.
"Nasaan na ang apo ko?" rinig ko na tanong ni Lola bago nadapo ang tingin niya sa akin.
"Zinnia!" tawag niya at agad na lumapit sa akin. Emy gave space for lola and the others.
Agad namang ipinasada ni Lola ang tingin niya sa katawan ko. Pansin ko na ganon rin ang ginawa ni Athena at Kuya Lando.
"Pasensya ka na, iha, kung hindi ko nasabi sa iyo na may allergy ka sa hipon. Nangyari tuloy ito sa iyo," sabi nito at agad na inilibot ang tingin sa mga tao na nauna sa clinic.
Napangiti naman si Lola nang mapadako ang tingin niya kay Emy.
"Ikaw siguro si Emy?" Tanong niya.
Agad namang tumango ang huli.
"Maraming salamat dahil naging kaibigan ka ni Zin," marubdob na sabi ni lola.
BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Published Under IMMAC PPH)
FantasyDue to an attack in their town, Zinnia Hyacinth's parents decided to bring her to the neighbouring town. The town of Nemus. Since all she did in her past years of living is to stay inside the comforts of their home, or in the cozyness of the librar...