Wrong grammars ahead!⚠️
I'm not good when it comes to english but I'll try my best.
CHAPTER 01
Ang huling nangyari sa 'kin, papunta pa lang ako sa school nang masagasaan ako ng truck.
Sabi ko sa isipan habang nakapalumbaba sa malaking kama, nahihiwagaan pa rin ako sa laki ng kwartong pinasukan ko. Naglalaro sa ginto, rosas at puti ang buong silid, may malaking gintong aranya din sa kisame. Bumuntong-hininga ako nang malalim at marahang sinuntok ang unang nasa tabi ko. Alam niyo ba kung nasaan ako? Nasa mundo lang naman ng isang nobelang binasa ko, at nasa loob ng isa sa mga minor villainess na ang pangalan ay Rouge. Nakakatawa. Buo ang pasasalamat ko sa Diyos dahil nabigyan ako ng pangalawang buhay pero bakit? Sana nabuhay na lang ako bilang isda, at least may matutuklasan ako sa dagat.
Sige, Clover, tapos isa ka sa mahuhuli ng mangingisda, 'no?
Bumuntong-hininga muli ako at humiga sa kama. Clover Gil, iyon ang pangalan ko sa unang buhay, may pagka-boyish at nakatira sa isang apartment. Alam ko ang nobela dahil iyon ang mahirap na pinagawa sa akin ng propesora ko sa klase niya. Kinailangan kong gawin iyon dahil kung hindi ay hindi ako makaka-graduate sa senior high. Lately lang kasi ako nagseryoso sa pag-aaral kaya ayan, na-karma.
Buong isang buwan ang binigay niya sa akin para matapos ang mga nobelang napili kong basahin, mabuti na lang at may kilala akong nagbabasa ng mga nobela. Puro action comics lang kasi mga binabasa ko. Nagtiis ako habang binabasa ang mga nakakadiring senaryo kase baka importante, jusmiyong garapon naman, pagkatapos kong basahin lahat mga walang kwenta lang pala ang lahat ng 'yon. Nagtiis pa ako. At sa lahat ng araw pa talaga, kung kailan huling araw na at natapos ko na ang pinagawa saka ako doon madidisgrasya. Tangina, 'di ba?
Ano na ngayon? Na-transmigrate ako sa loob ng isang villainess na kalaunan ay mabibitay. Magaling.
Papikit na sana ako nang biglang may narinig akong mga yapak palapit sa kwarto, saka tumigil sa harapan ng pinto para kumatok. "Milady? Pardon me for interrupting you but the Duke told you to eat dinner already." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay narinig ko ang mga yapak niya paalis. Isang kasambahay.
Ngumiwi ako. Hindi man lang inabala na siguraduhing lumabas sa kwarto si Rouge at saka na lang umalis. Kumibit balikat na lang ako, malaki naman na si Rouge kaya hindi na siguro nila inabalang palayawin ito. Pagkatayo ko ay napalingon ako sa harap ng salamin.
Maliit ang mukha at maputi ang balat. Tuwid hanggang ilalim ng dibdib ang berdeng buhok ni Rouge tapos may bangs, kulay rosas ang mata na may bahid ng pula, matangos ang ilong at kulay rosas din ang labing may tamang tambok. Parang halaman na nagkatawang tao.
Pero nice one, ang ganda nga niya. Sayang lang 'yung ugali.
Nahirapan pa ako sa pagbaba ng hagdan at paghanap ng silid-kainan dahil malaki ang asyenda nila. Pagkarating ko ay bumungad sa akin ang mag-asawa na mga magulang ni Rouge. Ang Dukesa na si Olivia at ang Duke na si Phyllix. Hindi naman sila malapit sana anak nila kaya ayos lang sigurong hindi ako magpanggap. Umupo na lang ako, malayo sa kanila.
Kuminang ang mga mata ko nang makakita ng masasarap na pagkain, may chicken pa! Woah!
Halos maglaway na ako kaya pinunasan ko agad ang bibig ko na parang ready'ng ready nang lantakan ang manok. Pagkahawak ko pa lang ng kutsara ay nagsalita na agad ang Duke, "The Royal Banquet is near, you should go out and prepare a dress."
Bumagsak ang balikat ko.
Pakainin mo muna ako, dude. (╥﹏╥)
"Yes, father,"tanging sagot ko na lang saka nilantakan na ang mga pagkaing nakahanda. Sayang-saya ako habang ngumunguya na akala mo hindi nakatikim ng kahit anong pagkain mula pagkapanganak.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...