CHAPTER 17
CLOVER'S POINT OF VIEW
"You can open your eyes now."
Minulat ko na ang mga mata ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Bumaba ang paningin ko sa pisngi niya, may ilang bahid iyon ng kung anong likido. Nang mas titigan kong mabuti iyon, napagtanto kong bahid ng dugo iyon. Natigilan ako saglit.
Pinatay ba niya?
"Of course, I killed him," biglang kaswal na saad niya, tila nabasa ang nasa isipan ko. Kung sabihin niya iyon ay parang normal lang na pangyayari iyon, pero malamang ay dahil sa assassin siya. Hindi na dapat ako nagugulat pa kung may mangyayaring patayan. May halong dark na romansa ito.
"What if... someone found his body?" nag-aalalang tanong ko. Sanay naman akong makipagbasag-ulo, sanay ako sa gulo, sanay na rin ako sa dugong natatamo ko. Pero marunong pa rin naman akong matakot sa mga ganitong sitwasyon.
Ngumisi siya, "Are you underestimating me? I know how to clean the evidences. I'm not a skilled assassin for nothing." Lumingon ako sa likuran at nakitang walang bahid ng kahit na ano. Na parang walang nangyari kanina.
Ibinalik ko ang tingin kay Devien. "Let's go, milady."
Tumango ako at sinuklay ang buhok ko, "Yeah. We should..." Akmang mauuna na sanang akong maglakad nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, nagtataka naman akong lumingon sa kaniya.
"Your hands were trembling," saad niya kaya tinignan ko ang isang kamay kong hindi niya hawak. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako.
Bumuntong-hininga ako, "Well, it's only natural, isn't it?" dahilan ko pa at ngumiti na lang ng pilit. Akmang babawiin ko sana 'yung kamay kong hawak niya pero mahigpit ang hawak niya.
Sumalubong ang kilay ko, iritado at walang pasensya, "What, Devien? I want to go to my dorm."
Aagawin ko sana 'yung kamay ko sa kaniya nang bigla niyang hinila iyon, dahilan para mapahakbang ako palapit. Nanlaki na lang ang mata ko nang yakapin niya ako.
Anong gimik nitong ugok na 'to?
"What the hell are you doing?" inis kong saad. Humiwalay naman siya ng kaunti sa yakap at inosente akong tinignan, "As far as I know, this is a way to calm someone down."
Mas lalo mo lang pinalala sa pagyakap mong 'yan.
Niyakap niya muli ako at hindi ko naman magawang kumalas. Kung kinakabahan ako kanina dahil sa ginawa niya sa lalaki, mas kinabahan pa ako nang yakapin niya ako. Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa kaniya dahil assassin siya, kayang-kaya niya akong itigok. Pero pakiramdam ko rin ay ligtas ako sa kaniya. Aarrrghhhh! Ang gulo, punyeta!
Bumuntong-hininga ako, unti-unti na ring kumakalma.
"AHA!" Halos napatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses babae. Mabilis akong humiwalay sa yakap at nilingon kung saan nanggaling ang boses na 'yon.
Pagkalingon ko sa aming harapan ay nakita ko si Blanche, abot tenga ang ngiti sa labi habang nakahalukipkip. "So this is why you asked me to go first, so you could have a lovely moment with your Devien!"
Sumalubong ang kilay ko agad.
Ano?!
Humalakhak siya ng malakas habang ako ay nag-iinit ang mga pisngi. Halos mamula ako sa inis. Sa inis 'to, ha! Hindi ako nagba-blush!
"What the hell are you talking about?! Enough!" Pero hindi siya tumigil sa kakaasar. Inis ko namang nalingunan si Devien at mas lalong dumoble ang inis ko nang makitang nakangisi na rin siya, sumasabay sa pang-aasar ni Blanche ang loko!
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...