CHAPTER 13

1.7K 105 1
                                    

CHAPTER 13

CLOVER'S POINT OF VIEW

"GENEVIEVE DEBORA is a daughter of Debora Dukedom, milady. She excels in academics last school year, and is famous for her beauty and charm. She's also popular with gentlemen too. Her father is Duke Phyllix's business partner. And their eldest son, Edgar, is one of the great swordsman and their youngest son, Harris is also an exceptional student in Centre Academy..." imporma sa akin ni Irva habang sinisilbihan niya ako ng tsaa. Nasa kwarto lang ako at nakaupo sa tabi ng malaking bintana.

Kararating lang sa akin ng liham ni Blanche tungkol sa magiging ka-partner ko. Nakasulat doon na pumayag si Lady Genevieve na maging isang kapwa modelo sa magasin. Syempre kailangan may alam ako tungkol sa kaniya kaya ayan, nanghingi ako ng impormasyon kay Irva. Para siyang google, mapapakinabangan ko in case of emergency. Hehe.

Matapos kong malaman ang ibang impormasyon ay lumabas na ako ng kwarto at naglakad papunta sa malaking hardin namin. Tahimik na nakasunod lamang si Irva sa akin.

Wala pa naman siyang masyadong ginagawa. Kahit na alam niyang nakikisalamuha ako kay Blanche, wala siyang kahit anong ginagawa. Tahimik lang. At iyong mata niya, nag-oobserba palagi. Anong pakay niya?

Wala rin ngayon si Devien, umalis saglit. Ang sabi niya ay babalik rin naman siya agad. Ano naman kaya? Natigilan ako sa paglalakad. Baka tungkol sa assassination. Nakikipag-meet up kaya siya sa kapwa assassin? Nagpaplano kaya sila?

Inilingan ko ang pag-iisip na iyon saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi dapat ako masyadong matakot, kaya ko naman mag-self defense. May dagger din akong nakatago sa ilalim ng unan ko kung sakaling papatayin niya ako sa mismong kwarto ko.

Habang naglalakad sa hardin ay napansin ko ang isang batang babae na kasama ang isa sa mga hardinera. May straw hat itong hawak at bitbit ang isang maliit na basket. Tumutulong siguro siya.

"Good day to you, milady," bati sa akin ng hardinera. Tumango lang ako at sinulyapan ang batang babae. Nakaawang ang bibig niya habang nakatulala sa akin.

Nang mapansin naman iyon ng babae ay sinaway siya nito. "Lucy, stop staring to the lady like that. It's rude!" medyo pabulong pa ang gawi nitong pagsaway.

Ngumiti naman ako, "It's fine. Is she your daughter?"

Natigilan siya kaunti sa pagngiti ako pero agaran din na sumagot. "Uhh... yes, milady."

"Lucy, huh? She looks adorable." Tumawa ako kaunti nang mamula ang pisngi ng bata. Napalingon ako sa hardinera, imbis na ngumiti ay nakita ko pang yumukom ang kamao ng hardinera at natatakot man ay diretso niya akong tiningnan sa mata.

"Pardon me for my rudeness, Lady Rouge, but I cannot let you use my daughter for your selfish entertainment. You can do it to me, I will accept it, but not my daughter. I'm begging you, please." Halata sa tinig niya ang halong galit at pait pero may takot doon sa akin. Napaawang naman ang bibig ko sa narinig.

Selfish entertainment? Pero wala naman akong intensyon na...

Bigla kong naalala kung anong klaseng tao si Rouge. Isa siyang villainess, hindi na ako magtataka kung sakaling may nagawa na siya kahit sa mga taong naninilbihan sa kanila.

Noong tumitig ako pabalik sa kaniya, gumuhit ang takot sa mga mata niya at napahawak sa kamay ng anak niya nang mahigpit. "Frankly speaking, I don't have motives or ill-intentions towards your daughter. But I understand where you're coming from. I know it isn't going to be easy for you to accept but I'm sorry."

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon