CHAPTER 23
CLOVER'S POINT OF VIEW
"Even if it's forced, can't anyone greet me about my birthday today?"
"Stupid parents don't even remember their only daughter's birthday."
"All of them are so irritating to look at."
"IS THERE ANYTHING PARTICULAR you want, milady?" tanong sa 'kin ni Devien, kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. Oo nga pala, birthday na ni Rouge ngayon.
Napaisip naman ako. "I can't think of anything I want right now."
"You don't really show much interest to anything especially." Malalim ang buntong-hininga, mukhang may pinoproblema. Teka, bibilhan niya ba ako ng regalo?
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang pagngiti, maya-maya ay tumikhim.
"To be honest, I don't get to receive gifts that often so if you give me one, whatever it is, I'd wholeheartedly accept it," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Totoo naman 'yon, miminsan lang ako maregaluhan sa kaarawan. Kase kadalasan ang ginagawa na lang kapag kaarawan namin ni Kuya Gael ay handaan.
"I see..." Nagpatuloy na siyang kumain. Pasubo pa lang ako nang maalala kong nagbigay na naman ako ng personal na impormasyon.
Nasa loob ka ng katawan ni Rouge, rememberrrr?!?!
Hindi ko alam kung magpapalusot pa ba ako sa nasabi ko o mananahimik na lang. Kaso baka magsuspetsa siya kapag nagpalusot pa ako. Huwag na lang kaya? Hindi pa nga ako magkandaugaga dahil sa kinuwento ko sa kaniya noong nakaraan, iyong tungkol sa aming dalawa ni kuya.
Aktong normal lang, par.
"HAPPY BIRTHDAY, Clover!" Supresang bati sa 'kin ni Blanche habang hawak ang isang cake, kasama sila Nolan, Herald at maging si Devien. Nag-ayos pa sila ng tea party para sa selebrasyon.
"Wait... Clover?" nagtatakang tanong ni Herald.
Agad na sumagot si Blanche, "Y-Yes. It's kind of her other name." Mabilis naman akong tumango, sumasang-ayon sa palusot ni Blanche.
Mukhang nakumbinsi naman 'yung dalawa at hindi na nagtanong pa. Napansin ko naman ang titig sa 'kin ni Devien, pero nang kinunuotan ko siya ng noo ay ngumiti lang siya.
"Thank you for this surprise, everyone. And for the gifts also. I never had this kind of celebration before." Nagsimula na kaming kumain ng mga handa nila. Ang daming cake at matatamis. Saktong-sakto ay gutom na gutom ako.
"Devien, why don't you join us? It's your lady's birthday," alok ni Blanche kay Devien na ngayon ay nakatayo lang sa gilid ko. Umiling naman siya, "I'm fine."
Humalakhak ako, "Just join us. It's just like in the dorm, we've been always eating together, right?"
Nginitian naman niya ako, "Milady, I can't accept this much." Inirapan ko siya.
Pakitang tao pa 'to. E noong sa dorm nga, halos unahan na niya ako sa upuan para makakakain agad.
Hinila ko siya paupo sa upuang bakante katabi ko. Masyado siyang malakas para mahila ko ng ganoon kadali, kaya alam na alam kong nagpahila lang talaga siya sa 'kin.
Nilantakan ko 'yung red velvet na cake, ang kapal ng icing niya kaya gustong-gusto ko talaga. Iyon 'yung pinag-aagawan namin dati ni kuya. Sila Blanche ay nagkekwentuhan, magso-solo muna ako sa paglantak ng cake.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...