CHAPTER 24

724 47 4
                                    

CHAPTER 24

CLOVER'S POINT OF VIEW

"NITONG NAKARAAN ko pa napapansin 'yang lagi mong suot na ipit. Sa pagkakaalam ko, hindi naman nagregalo si Herald o Nolan ng ipit sa 'yo," bigyang pansin ni Blanche sa ipit na suot ko habang kumakain kami.

Natigilan ako at natigalgal kung ano ang sasagutin.

"Ah, alam ko na. Kay Devien 'yan, 'no? Yiieee!" pang-aasar niya kaya sinipa ko siya ng mahina sa tuhod. Dumaing naman siya.

"Aba? Kabayo ka ba?!" Tumawa lang ako.

"Alien po ako. Ikaw po? Ano ka po?"

"Dyosa, ano pa ba?" mayabang pa niyang hinawi ang maikli niyang buhok at nginisian ako.

Bumungisngis ako, "Anong dyosa? Baka dukha!" Humalakhak pa ako ng malakas dahilan para bumusangot siya.

"Haahh... so noisy," natigilan kami sa pagbabardagulan ni Blanche nang marinig namin ang reklamo ng isang grupo ng mga babae. Simula noong dahil sa issue ni Herald, lagi na nila kaming pinupuntirya. Hindi ko alam 'yung mga pangalan nila pero sila 'yung nag-akusa sa akin noong nakaraan.

Pero ang malala pa no'n ay nasa gitna pa nila 'yung nakakairitang babae noong pinilit akong makipag-date ni Leon.

"E 'di ilista mo sa blackboard," mahinang sagot ko na tanging kaming dalawa lang ni Blanche ang makakarinig, muntik nang matawa si Blanche pero mabuti na lang napigilan niya. Kaso ay nahuli naman ang pagngiti niya.

"What are you smiling for?" inis nilang tanong.

"Nothing," tanging sagot na lang ni Blanche.

"It does sounds fitting to know that you two get along. You're both thick-faced to seduce royalties, especially the crown princes. One of the Crown Prince of Rajah and one of the Crown Prince of Amoret," sabi nung nakakairitang babae. "Is that what you call bestfriends' goals?"

"Why are you even here, anyway? Go flock on that Prince Leon, see if I care," anas ko naman saka ngumuya ng cupcake, sinadya ko pang maingay na kumain dahilan para gumuhit ang pandidiri sa mga mukha nila.

Nahalataan niyang hindi kami masyadong naaapektuhan ng sinasabi niya, "I suggest you two to stay away from them, ladies like you two don't deserve to have them."

Oo na lang, miss. Ayoko rin naman sa gunggong na Leon na'yon.

"And what? That you deserve them instead? It's not like you're any better than us," sagot naman ni Blanche, napangiti naman ako at umiling-iling.

Burn.

"What did you just---"

"I said fine. Now, can you please go away? You're disturbing our bonding time." Sinamaan pa niya ng tingin si Blanche saglit, wala na silang nagawa kundi umalis na lang. Na-realize na nila sigurong nagmukha silang tanga para lang harapin kami at awayin.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

MATAPOS NG saglit nilang bangayan, nag-usap usap pa sila kung anong plano, nangunguna roon ang babaeng Lilia na may gusto kay Prince Leon.

"They agreed, so I think they won't come near anymore to the Crown Princes again," opinyon ng iba na inilingan ni Lilia. Nagtaka naman sila.

"We still have to make sure they won't. She may have agreed to it, but how can we trust her actions? I believe it would be better if we do something to confirm ourselves they won't seduce them anymore."

Kalaunan ay lahat sila ay sumang-ayon.

"Lady Lilia, do tell us how."

MATAPOS ANG PANGATLONG klase ay magkasama si Clover at Blanche na naglalakad sa campus. Napag-usapan nilang sa likod muna ng academy sila tatambay, mahangin kasi doon at walang tao. Hindi sila makikita at pupuntiryahin ng grupo nila Lilia.

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon