CHAPTER 15

1.7K 93 17
                                    

CHAPTER 15

CLOVER'S POINT OF VIEW

"But I was supposed to be the one with you, Milady!" habol ni Irva pagkalabas namin ng manor. Napalingon naman kami nina duke at Devien sa kaniya.

"Milady, please!" pakiusap niya. Sinabihan ko kasi siyang huwag nang sumama sa akin sa akademya at si Devien na lang ang napagpasyang isasama ko. Bukod sa deal namin na papatayin niya ako, ay para mabantayan at maprotektahan niya rin ako habang nasa Centre Academy. Hindi dahil mahina ako o ano, kaya kong makipagbasag ulo pero may isang tao kasi na naroon na makakapagpahamak sa buhay ko kapag hindi ako nag-ingat.

Lalong-lalo na si Maxfield Lennox.

"You're good here, Irva," tugon ko naman.

"But milady, please hear me out. Maids are usually the one who should come with a noblelady, not a mere..." tinignan niya si Devien sa naiinis na paraan bago magpatuloy sa sasabihin, "bodyguard."

"I know, but it is not that mandatory. I can take care of myself." Pagkatapos ay sumakay na ako sa karwahe, saka kinawayan ang duke at sa nanay nito na kararating lang kanina. Sa mukha pa lang ay alam na kung kanino ang duke, parehas silang mukhang strikto.

"Aren't you bothered about leaving her, milady? She might do something whil we were away," komento naman ni Devien nang magsimula nang umandar ang karwahe.

Umiling lang ako, "She won't. She might've not realize it right now, but I strictly told all the maids, especially to the head maid, to monitor her secretly. Her duties that comes with having to clean rooms, specifically to mine, the duke and duchess will be replaced to other safe ones."

"Hmm..." pinanood kong itinukod niya ang siko sa bintana at isinandal ang ulo niya sa kamao niya. Pinagmasdan ang buong mukha ko, kahit ang mga hibla ng buhok ko.

Nailang naman ako sa mga titig niya, "What?" maangas kong tanong sa kaniya.

Natawa siya, "I just noticed, you fixed your hair into a fine cut unlike the previous days after the ruckus in Royal Banquet. I thought you're going to leave it as it be."

Hinawakan ko naman ang buhok ko. Inayos ko kasi 'yung gupit kasi hindi maayos noong naputol, mas naging panlalakeng ayos nga lang siya.

"I just only fixed it because it wasn't tidy. Why? Does it look unpleasant?" alanganing tanong ko at sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"No, not at all. It looks too well in you, in fact." Ngumiti siya at tinanguan ako habang pinagmamasdan pa rin ako.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon. "You're becoming too comfortable to me after that deal."

Pumikit siya, "Well, I'm going to kill you soon anyways so I might as well spend my year getting to know more about my target. I intended to do that in the first place."

Natawa ako ng pagak at nag-'wow' nang walang boses. Sumulyap ako sa umiidlip niyang mukha, kinabahan ako bigla nang mapagtantong tumititig na pala ako. Itinuon ko na lang ang paningin sa labas ng bintana.

"Regarding to what you said last night, what do you mean by dangerous people you will encounter?" Lumingon ako sa kaniya, nakadilat na ito at naghihintay ng sagot mula sa akin.

Sino pa ba?

"Well... I mean, there's one certain person that I see as a threat to my life. If you know him, it's better for you. His name is Maxfield Lennox."

Tumaas ang isang kilay niya. "A threat?" Natawa siya dahilan para lumabas ang dalawang pangil niya, "So, being with an assassin that can kill you anytime isn't a threat to you?"

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon