A/N: Dedicated for cylcyl26 for voting and leaving some comments to my chapters, made-dedicated ko rin po 'yung iba pa sa susunod na chapters. Thank you po!
CHAPTER 10
CLOVER'S POINT OF VIEW
NAGTAKA AKO nang makita ang isang manikang nasa higaan. Para siyang si Rouge, may berde din itong buhok at straight. Pink din ang mga mata. Bukod doon ay may kaputian ang balat. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang may mga pulang mantsa ang damit na suot ng manika?
Hindi ko mapigilang pumasok. "Mother?"tawag ko ngunit wala akong narinig na tugon.
"Maybe she's out somewhere," hinala ni Devien. Baka nga.
Nilibot ko naman ang aking paningin sa buong silid. Madilim man ay masasabi kong maganda ang disenyo ng kwarto. Iyon nga lang ay parang walang kabuhay-buhay ang kwarto, parang walang sumisilid sa kwartong ito samantalang sa duchess ito. Idagdag mo pang may nararamdaman akong kalamigan dito. Saan naman kaya nagsuot ang dukesa?
Nilapitan ko 'yung manika at binuhat ito sa aking kandungan matapos kong umupo sa gilid ng kama. Habang pinagmamasdan ko ito ay unti-unti kong napagtatantong na kamukha ko iyong manika. Gumawa ba ang dukesa ng manikang kamukha ko? Obvious naman, pero bakit kaya? Ito siguro ang pinag-aabalahan niya lately kaya madalas ay hindi siya lumalabas ng kwarto.
Napatitig ako sa kulay rosas nitong mata. Medyo nangilabot ako dahil pakiramdam ko ay tinititigan din ako nito, na parang isang buhay na tao. Ano ba 'to? Tinatakot ko lang ang sarili ko.
"Milady, we should go," paalala sa akin ni Devien. Oo nga pala, kakausapin ko pa ang duke. Tumayo na ako at nilapag ng maayos ang manika bago lumabas. Nang nasa harap na kami ng opisina ng duke ay kumatok naman ako ng tatlong beses saka nagintay ng tugon mula sa loob. Ngunit wala ni isang salita akong narinig. Kumunot ang noo ko saka kumatok ulit.
"Father?"tawag ko. Wala pa rin. "I'm coming in," paalam ko sabay pasok sa loob ng opisina. Bumungad sa amin ang walang katao-taong opisina ng duke. Wala ang dukesa at ang duke, saan naman kaya sila nagpunta?
Naglibot-libot ako sa paligid bago dumako ang tingin sa lamesa ng duke. Doon ay may nakatayong maliit na frame, sa picture frame ay nandoon ang litrato noong bata pa si Rouge at buhat-buhat naman siya ng duke. Medyo nahiwagaan pa ako nang makita ang ngiti ng duke habang pinagmamasdan ang anak niya. Halatang tuwang-tuwa siyang mahawakan ang anak. Nakakapagtaka lang kung ano ba ang mga nangyari sa loob ng manor nila, na hindi binabanggit sa nobela? Sobrang sama ba na umabot sa puntong ganito?
"You look cute in that picture, milady." Napatalon naman ako sa gulat nang marinig ang boses ni Devien sa bandang malapit sa tainga ko. Pagkalingon ko ay nasa likod ko na pala siya at sobrang lapit sa akin. Pinagmamasdan din niya ang hawak kong picture frame. Napakurap na lang ako ng ilang beses. Grabe, hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Isa talaga siyang assassin.
"Nice joke," tugon ko na lang. Natawa naman siya, iyong hininga niya ay tumama sa tainga ko dahilan para makiliti ng kaunti. "I'm not joking."
"Instead of calling me cute, it should be..." Humarap ako sa kaniya at nag-pogi pose habang nakangisi, "handsome."
Gumuhit ang pagtataka sa kaniya. Aba!
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historische RomaneClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...