CHAPTER 02
CLOVER'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong nakasakay sa en grandeng karwahe, pupunta kami sa malapit na bayan. Bibili ng masusuot ko sa Royal Banquet, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang bumili ng bestida. Sa yaman ni Rouge malamang maraming nakatambak na magagandang bestida sa aparador niya. Ano 'yon? Isang suot sa isang araw lang?
Ang Royal Banquet ay magaganap tatlong araw mula ngayon.
Nang makarating kami sa bayan ay inilibot ko ang buong paligid, samu't saring mga tao ang sumasalubong sa amin, lakad dito at lakad diyan. Ang mga taong nadadaanan namin ay mga plain lang ang suot, kumbaga pang-commoner. Una na naming pinuntahan ang isang tindahan ng mga damit, may iba't ibang disenyo at estilo ang mga bestida. Ang tahimik, wala bang tao rito?
"Welcome to our shop!" Napatalon ako sa gulat at halos matigil sa pagtibok ang puso ko nang biglang may sumigaw sa bandang likuran ko. Lumingon ako at bumungad sa akin ang babaeng ngiting-ngiti pati ang mata. Tangina, papatayin niya yata ako sa gulat. Masasakmal ko talaga 'to, pasalamat siya't wala ako sa mood para magalit.
"Oh my~ What a surprising visit from Lady Declan. Are you buying a dress for the upcoming Royal Banquet? I will also attend there too!" Peke akong ngumiti sa kaniya at tumango saka naglibot. Hindi ko naman siya tinanong. Magaganda ang mga estilo ng bestida, mukhang maganda ang pagkakapili ni Fatima sa botique. Ginising niya ako nang maaga, kulang pa naman tulog ko kagabi. Sinulat ko lahat ng natatandaan ko sa nobela. Ang sipag ko, 'di baaaa?
Sana ganiyan ka rin kasipag gumawa ng mga schoolworks, Clover.
Ngumiwi ako.
Saktong paglingon ko sa kanan ay doon naka-display ang mga damit panglalaki. Lumakad ako palapit doon at namangha. Kahit hindi ko estilo ng pananamit ang mga ito ay masasabi kong maganda sila. Sa pagkakaalam ko ay mga damit nito ng pang-19th century. May ilang alam ako tungkol sa fashion dahil ang kuya ko ay magaling sa larangan na iyon.
Naalala ko tuloy dati, binibihisan ako ni kuya at ginagawang manika. Inaayos 'yung buhok ko, mine-make-up-an at nilalagyan ng laruang tiara. Hinahayaan ko na lang kase iyon 'yung kasiyahan niya, bonding na rin naming dalawa.
"Are you going to buy some for your father, lady?" biglang sulpot ulit ng babae, hindi sa likuran kundi sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "What the?! Kabute ka ba?"
"Pardon, Lady Declan. I don't understand."
"Milady! Milady! How about this blue dress?" masiglang tanong ng personal kong kasambahay.
Matapos ang ilang minutong pagpili ay sa wakas natapos na rin, paano ba naman kasi, nagtatalo pa si Fatima at 'yung babae kung ano ang bestidang babagay sa akin. Ayon, nagpaligsahan. Ang napili ay iyong bestidang kulay green-blue na may disenyong mga bulaklak. May pagka-mabigat ito pero ayos lang naman.
Nang makalabas kami ay naglibot-libot pa kami muna ni Fatima. Kumain at bumisita sa ilang mga tindahan, kalaunan ay umuwi na rin.
-
Meanwhile in that moment, there's a young man dressed in black was sitting on a tree branch while holding a bow with an arrow. He was aiming to kill a specific person which is the Baron Eclav from Amoret. Baron Eclav is burying a part of the body deep into the ground, near his estate. Matapos niyang ilibing ang isang parte ng katawan ay pinakawala na ng binata ang kaniyang palaso, tumama iyon sa bandang puso ni Baron Eclav.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Fiksi SejarahClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...