CHAPTER 27
CLOVER'S POINT OF VIEW
NANG MAALIMPUNGATAN ako, napagtantong nasa loob ako ng abandonadong kamalig. Puro mga kahon lang na kahoy ang nandito at mga mahahabang kahoy. Nagtaka naman ako agad nang matagpuan ang sarili kong kamay na nakagapos sa likuran ko. Pati ang mga paa ko. Wala namang tinakpan sa bibig ko.
"Paano ako napunta rito?" tanong ko sa sarili.
Sinubukan kong inalala lahat. Pumunta kaming museum, tapos hinanap ko si Devien. Lumabas ako at pumunta sa likuran ko. Tapos ay---
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala si Dukesa Olivia. Siya ba ang gumawa sa 'kin nito? Sinubukan kong umangat ng kaunti at lumingon sa paligid. Madilim na sa labas kaya hindi ko masyadong makita ang kapaligiran.
Umayos ako ng pagkahiga, tapos ay inangat ko ang pang-itaas ang parte na parang sa sit up na exercise. Ang mahirap lang ay ang pagtayo. Kailangan ko munang tanggalin ang mga gapos sa kamay at paa ko.
Tinry kong ipaharap ang dalawang kamay ko nang pataas.
Tanga, hindi ka naman flexible para gawin 'yan.
Hindi nga. Kung hindi pataas... pailalim kaya?
Babaliin mo lang buto mo.
Try lang.
Inupuan ko na yung dalawang kamay ko na nakagapos magkasama. Aray ko po, parang binabanat 'yung braso ko! Sa balakang pa lang!
Tiniis ko 'yung nararamdaman ng braso ko, lalo na ang mga pulsuhan ko kase sa sobrang higpit ng pagkatali ay dumidiin ito sa pulsuhan ko. Nang maiangat ko na papunta sa ilalim ng tuhod ko, itinaas ko naman ang dalawang paa kong nakagapos saka ko nagawang mapunta sa harapan ang dalawa kong kamay.
Hah! Success!
Ang wais ko! Ako na talaga.
Una kong itinanggal ang tali ng mga paa ko. Medyo nahirapan pa 'ko dahil ang tindi ng pagkakatali dito. Grabe naman, parang ayaw talaga akong palakarin, ah?
Kailangan ko nang makatakas dito bago pa makabalik si Dukesa Olivia. Medyo engot siya kase iniwanan niya ako rito mag-isa nang walang bantay. Ayan tuloy, ang dali kong makakilos.
Hindi ako makapaniwalang tatratuhin niya ako ng ganito, hindi ako 'yung mismong anak niya pero nasa katawan pa naman ako ng anak niya, 'no. Ang pangit ng bonding niya, kidnapping.
Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari sa kaniya, alam ba 'to ng duke? Kasabwat ba siya rito?
Tsk. Bahala na.
Natanggal ko na ang tali sa paa, iyong kamay na lang. Kaso paano ko naman matatanggal, nakagapos nga?
Tsk, bahala na rin. Punyeta! Tumakas muna!
Tumayo na ako at lalabas na sana ng kamalig nang biglang sumulpot mula sa lilim si Dukesa Olivia. Hindi katulad dati na kulay rosas ang mga mata niya, pulang-pula na ang mga ito. Parang sa akin noong nakaraan, noong araw na nagkaroon kami ng alitan ni Devien.
"My lovely daughter is finally awake!" turan niya sa matamis na tonong paraan. "Where were you about to go? Were you looking for me?"
Lokohin ba siya? Para makatakas?
Pwede. Mas ligtas na paraan iyon.
"Y-Yes."
"How sweet of you! Now, come on, let's go back inside." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na pinabalik ako sa loob. Naramdaman ko ang higpit ng hawak niya.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...