CHAPTER 21

952 62 1
                                    

CHAPTER 21

CLOVER'S POINT OF VIEW

Marahas akong bumuntong hininga habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sa banas na nararamdaman ay tinulak ko ang dila ko sa loob ng pisngi ko. Ang gago talaga ng lalaking 'to, anong ini-spoil? Talagang hindi niya itatanggi 'yung akusa ng babae sa 'kin?!

Maarte namang nagulat 'yung babae at tinignan ako sa nakakainsultong paraan, "Oh my... so that's why. You are one of women he toys, after all. Reason why you were capable of wearing such dresses in spite of the blood you have."

Napakuyom ako ng kamao.

Tangina, kakagaling ko sa inis ko kay Leon kanina tungkol sa marriage na 'yan tapos ito naman ang susunod? Gusto ko nang umuwi!

Pilit akong ngumiti sa babae, "I would rather kill myself than to become one of his women. There's nothing to gain from being toyed by him." Binalingan ko si Leon na hindi makapaniwala sa sinabi ko, "Moreover, I agreed to date with him only because I feel so awful, leaving a little kid alone."

Pagak na natawa ang babae, "Perhaps more like he's the one taking care of you."

Mariin kong tinignan si Leon, "I don't need him. At all." Binalik ko ang tingin sa babae. "He's probably going to enjoy your company than me. After all, I didn't want to entertain him in this date in the first place."

Kumibot ang nakasalubong niyang kilay, "How bold of you to say that in front of His Highness. You're just a peasant, shouldn't you feel glad that the Crown Prince took you to a date?"

Siya nga ang nangulit, e.

"Why should I? Did I ask for him to date me? He was the one who approached me in the first place," napasinghap siya, hindi makapaniwala. "You..."

"That's enough, Lady Rouge. I'm only letting your words slide because I don't want to cause a commotion in public, but you're going too far." Inirapan ko lang si Leon.

Ako pa ang mali? Sinasabi ko lang 'yung totoo, kase siya, kahit i-korek man lang ang babae sa mga akusa niya sa 'kin ay hindi man lang magawa.

At saka, kung makapagsalita naman 'tong babaeng 'to, akala mo big deal na 'yung date kasama ng isang prinsipe.

Sa ibang prinsipe baka pwede pa, pero sa ugok na 'yan? Baka bangungot lang abutin ko, huwag na lang.

"I thought you became at least slightly better recently, but it turns out you and your behavior became worse. What would Duke Declan say about this, that her daughter lost her manners and spoke ill to a royalty?"

"Wait, she was a duke's daughter?" gulat namang ani ng babae.

Umigting ang panga ko sa sinabi ni Leon. Ayoko namang magpatalo kaya may sagot agad ako, "Well, I'm so sorry that I wasn't taught properly because my parents are sooo busy to make time for their only daughter, and they didn't bother to just bring an etiquette mentor to teach me instead. While you..." tinignan ko si Leon nang mariin, "you had a long line of mentors fighting just to be able to teach the crown prince."

Mabilis na hinablot niya ang braso ko at pinanlakihan ako ng mata, "You don't know anything about me."

"More than better, I don't want to have anything related to you." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

"That's enough," pamilyar ang boses na 'yon. Nilingon naming pareho ang likuran namin kung saan naroon si Devien, at masama ang tingin niya sa kamay ni Leon na nakahawak sa braso ko.

"Must I repeat myself, Your Highness? I told you to do not touch her." Lumapit siya sa aming dalawa at pinaghiwalay kami.

Ngumisi si Leon, "As expected of your dog, always there for your rescue."

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon