CHAPTER 05

2.4K 139 12
                                    

CHAPTER 05

CLOVER'S POINT OF VIEW

Hindi ako makapaniwalang natalo ako ng bugok na 'to.

Nakasimangot kong banggit sa isipan habang nakapalumbaba at masamang tumitingin kay Devien na ngayon ay ngingisi-ngisi. Natapos ang laban namin sa S.O.S na laro at nakakainis na nagawa niyang manalo. Bago maglaro ay ipinaliwanag ko sa kaniya ang rules, umaakto pa siyang hindi talaga na-gets tapos no'ng maglaro kami ay sobrang galing. Akala ko pa naman matatalo ko siya!

Napatingin ako muli sa lalaking ngumingisi pa rin. At habang ngumingisi siya ay saka ko nasilayan ang dalawang pangil niya. Matulis ang mga iyon, parang pusa o ano.

Iniwas ko na ang tingin ko, bumuntong-hininga ako sa inis at kinuyom ang kamao. Nasa may maliit na lamesa pang-tsaa malapit sa hardin kami nakapuwesto. Maaliwalas kaya dito na lang kami naglaro.

Panalo ka sa ngayon, pre. Pero sa susunod na hahamunin kita, sisiguraduhin kong matatalo ka!(ノಠ益ಠ)

Tumayo ako at pumunta sa harap niya saka idinuro siya. "That was not fair! Let's play again, I'll win this time for sure."

"Oh?" nanunuya niyang tugon na ikinainis ko. Aba't yumayabang na yata 'to?!

Subukan mo lang mang-asar ngayon, makakakita ka talaga ng isang magaling na soccer player na sisipa sa balls mo.

"Sure, milady," mayabang siyang ngumisi. "But there's one condition after you lose."

"How can you be so sure I'm going to lose?" nagbabanta ang tono ko habang humahalukipkip. "Oh, I mean, whoever lose between us," bawi pa niya pero alam kong may halong pagmamayabang ang sinabi niya.

Siningkitan ko siya ng tingin dahilan para matawa ito. "Whoever lose will have to answer one question."

Eh? Iyon lang? Easy naman.

"Syuurrr," pag-sang ayon ko kaya nagsimula na kaming maglaro. Nagbato-bato-pick muna kami kung sino mauuuna. Makalipas ang ilang minuto ay...

"Oh, come on!" galit na singhal ko matapos matalo. NA NAMAN. Tinawanan niya lang ako.

"Quit laughing at me, will you? Just ask, damn it!" naiinis kong anas.

"Alright, alright, so what are your likes or dislikes?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"In what field?" Kumibit-balikat naman siya, "Anything."

Tumango ako. "Well, I like cats."

"Hmm... cats," ulit niya at tumingin sa malayo.

"Anyways, let's play again. I can't accept my defeat like this!" ani ko kaya bumalik kami sa paglalaro. Nakailang laro na kami pero tangina hindi man lang ako makapanalo!

"Seriously, aren't you supposed to go easy on me?!" nawawalan na ng pasensyang singhal ko. "You weren't even planning to go easy on me in our first game," natatawa niyang ani. Sumisilay ang pangil niya dahil doon, at pinipigilan kong mapalingon doon.

"How did you know?"

"Easy," sagot niya, "I could tell just by looking at your smug smile earlier. Also, you challenged me, is it so wrong to impress you at least in this way?"

"Yeah, but not so frequent! You're a freaking expert for a beginner, how can I win?" reklamo ko.

"Do you really want to win that badly in this simple game?"

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon