CHAPTER 20
CLOVER'S POINT OF VIEW
"GANO'N NA BA AKO kaganda para araw-araw akong i-date ng isang crown prince?" mahambog na tanong ni Blanche matapos nilang makipag-date ni Kinsley. Nandito kami sa may isang puting bench, tumatambay habang vacant ang isang klase namin.
Panay kinig lang ako sa mga inirereklamo niya tungkol sa crown prince ng Amoret, kesyo lagi daw dikit nang dikit at laging nakasunod na para bang isa itong alagang aso. Masyado rin daw malandi pagdating sa kaniya.
Hindi rin naman siya makatanggi dahil maikokonsiderang bastos sa mga maharlika ang pagtanggi sa kanila, hindi naman lahat pero dito sa librong sinulat ng awtor ay oo. Nakakabastos daw.
Ewan.
"E, ikaw? Anong pakiramdam ng ma-date ang isang assassin?" Tumataas-baba ang mga kilay niya, nang-aasar.
"Hindi kami nagde-date no'n," irap ko sa kaniya at siniko para tumigil siya.
"Hindi kayo nag-date ni Devien? Kahit isang beses lang?" gilalas niya. Tumango naman ako. Kasalanan ba ang hindi makipag-date?
Umasim ang itsura, "Ano ba 'yan, ang bagal namang kumilos ng isang 'yon! Hindi marunong umusad!" frustrated niyang anas. Kumunot ang noo ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Anong umusad?" Sinamaan niya ako ng tingin, "Itanong mo sa label niyo!"
Minsan talaga wirdo 'tong babaeng 'to...
Hindi ko na lang siya pinansin.
"Later, you should ask him to date you," suhestiyon niya bigla.
"Why should I?!" Wala akong lakas sabihin 'yon!
"Girl, I know you like him. Bakit ka pa maghihintay kung pwede namang ikaw na ang mag-first move? Kung pwede namang ikaw na ang mangligaw?" Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng 'to, sobrang bold ng ugali!
"You don't have to," biglang ani ng isang boses lalaki sa likuran namin, at ang malala pa diyan ay pamilyar na pamilyar ang boses na 'yon.
"Because I am going to take her out on a date later, after class." Parehas kaming lumingon at namutla ako nang makita si Leon.
-
Gusto ko nang umuwi!
Pakiusap!
"Ladies are fawning over to me, and here I am trying to win you back again. You see, there would always have second chances when it comes to relationships. We may encounter challenges or obstacles in our relationship and we couldn't handle it..." nagpatuloy lang siya sa pagdadaldal habang ako ay bagot na bagot na. Pero syempre hindi ko pinapahalata. Tumango-tango ako at ngumingiti rin minsan.
Relationship?
Wala naman silang naging relasyon no'n. Hindi niya direktang inaya na maging girlfriend o maging fiancè si Rouge. Pinaasa niya lang si Rouge.
"The offer of becoming my fiancè is still open. I'm really hoping your father would accept the proposal." Natigilan ako. Kailan ba 'to makikinig?
Nagpatuloy siya sa pagdada habang ako ay mas lalong nawawalan na ng pasensya. Nang hindi ko na talaga kaya ay malalim akong bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...