CHAPTER 08
CLOVER'S POINT OF VIEW
"What do you want?" Lumingon ako sa nagsalita no'n, nakatayo si Kinsley at akmang nakahanda nang ilabas ng espadang nasa bewang niya. Lahat ng tao ay layong-layo at gilid na gilid sa mga dingding dahil sa takot na baka sila ang puntiryahin ng mga barumbadong lalaki. Sino ba naman ang hindi matatakot, mukhang mga siga 'tong mga 'to eh. May term sa mga taong ganito sa mga lumang panahon, 'di ba? Bandits ang tawag sa kanila.
Ang kapal ng mga mukhang gumawa ng gulo, matatalo lang sila sa tatlong prinsipeng nandito ngayon. Bahagya akong napaatras nang hilahin ako nang marahan ni Devien at humarang sa harapan ko saka niya ako nilingon. "Hide under the table and hold onto it, Lady Rouge."
Nagpapasalamat ako kay Devien pero, dude, matigas ang ulo ko. Gusto kong sapakin ang bawat isa sa kanila pero baka maging pabigat lang ako. Nanlaki ang mata ko nang maalala si Irva, nasaan kaya ang babaeng 'yon?
"Milady, can you hear me? I said, hide under―"
"Hah! What do we want? Simple, give up yer thrones. Else, all of these people will die in one blink." Hindi ako maiwasang pagak na matawa, dahilan para mapalingon sa akin 'yung ilang tao, lalong-lalo na 'yung mga pabidang lalaki sa gitna. Tumikhim ako at yumuko.
Bakit mo ginawa 'yooonnn?!
Gigil kong anas sa sarili.
"What if we don't?" Hindi ko napansin na nakalapit na pala ang tatlong prinsipe sa mga lalaking nanghahamon, si Felipe na nasa likod ay nakahawak na sa baina na animong alam na ang gagawin ng mga lalaki sa susunod na pangyayari.
Nagulat ako at nagtaka nang hawakan ako sa magkabilang balikat ni Devien at hinawakan ang ulo para paluhurin ako. Saka niya ako pinatago sa loob ng bilugang lamesang nasa likuran ko lang.
"Stay there, and don't get out." Natulala ako dahil doon at bumalik din sa wisyo kalaunan.
"What if you don't? Alright then, I hope ya' don't mind us killing them!" Rinig kong sabi ng boses lalaki saka ako nakarinig ng mga sigawan.
Nagsimula na silang umatake.
Itinaas ko ang tela at sumilip kung ano na ang nangyayari, ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang nakikipaglaban sa mga ito, habang ang ibang tao ay tumatakbo palabas ng hall, nakita ko rin si Devien na nakikipaglaban gamit espada. Para sa taong kakasimula pa lang humawak ng espada ay magaling na si Devien―teka, pero wala naman siyang bitbit na espada!
Siguro ay inagaw niya sa isa sa mga tulisan.
Napanganga ako habang pinapanood ito, ang galing niyang umiwas sa mga atake, halatang malakas ang pang-dama. At kamangha-mangha, para lang niyang pinaglalaruan ang paghawak ng espada na ang dapat ay hindi naman. Napakuyom ako ng kamao, pabigat kasi 'tong bestidang 'to eh.
Napalingin ako sa aking gilid nang mahagilap ang isang pamilyar na babae, nanginginig ito at nagtatago sa likod ng lamesa kung saan hindi siya kaagad mapapansin ng mga tulisan. Ang ilang mga tao ay nakatakas na, bilang na lang sa kamay ang narito. Si Blanche!
Shit! Bakit hindi pa siya tumakas?!
"Watch out!" Mabilis na napatingin ako sa sumigaw, boses ng may edad na lalaki. Bumilog ang labi ko sa hanga habang pinapanood ang hari ng Crest na nakikipag-espadahan rin. Pakiramdam ko ay dalawang Devien ang pinapanood ko.
"Kyaaa!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Blanche na hawak na ng isang mukhang manyak na tulisan, malaki at pango ang ilong. Nakangisi ito dahilan para masilayan ko ang isang gintong ngipin nito. Hinahawakan niya ang braso ni Blanche at base sa ekspresyon niya na mukhang nasasaktan ay mahigpit iyon.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...