CHAPTER 16

1.1K 71 6
                                    

CHAPTER 16

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"HOW PECULIAR..."

"Why are they together?"

"Is this perhaps the end of the world?" bulung-bulongan ng mga estudyante habang pinagmamasdan ang dalawang dalagang naglalakad sa corridor habang nagkekwentuhan.

"But last school year, they were fighting!" angil pa ng isa habang nakatingin sa kanilang dalawa. Iyon na yata ang pinag-uusapan ng mga karamihan, kung paano nagagawang mag-usap ng matino sina Rouge (Clover) at Blanche (Reverie).

Halos lahat sa kanila ay alam ang issue ng dalawa, parati na lang silang usap-usapan dati ng dahil kay Prince Leon Rajah. Kaya hindi masisisi kung ganito sila naguguluhan sa dalawang dalaga.

Moreover, they were even speaking in a different language!

"Nasabi ko lang naman 'yon kase 'di ba, 'yung mata niya parang pusa. Tapos matalas pa yung pangil na ngipin niya," kwento ni Clover kay Reverie. Tumatango-tango naman ito bilang sang-ayon, "Tama ka naman."

"O, kitams."

"Baka kase may sinabi ka sa kaniya tungkol sa mga pusa kaya siya umaktong gano'n?" patanong na hula ni Reverie dahilan para sumalubong ang kilay ni Clover, "Parang wala naman."

"Parang... so hindi ka sure?"

"Wala naman kasi akong natatandaan na pinag-usapan namin tungkol sa mga pusa," angil nito.

"Try to remember. Baka nabanggit mo once. Siguro 'yon 'yung dahilan." Malalim na bumuntong-hininga si Clover. Hindi naman sa bini-big deal niya iyon, pero simula kase kahapon nang sinabi niya iyon ay tila hindi na makatingin ng maayos sa mata si Devien sa kaniya.

Usually, when they're talking to each other, they would do eye contacts. Hindi lang yata siya sanay sa ganoong asta ni Devien, umiiwas sa mga tingin niya.

Bahala na nga.

After their history class ended, both had to part ways because Blanche had to look for something quickly in the library. She went off earlier, that's why Clover was alone while walking in the hallway.

Saan ko kaya siya pwedeng hintayin?

She spaced out as she walked casually, but halted when she heard a faint voice of a lady nearby. Sinundan niyo iyon at napunta siya sa school yard, natigilan siya nang matagpuan si Blanche roon at kaharap ang isang matangkad na lalaking puti ang buhok. Nakahawak ang lalaki sa magkabilang braso ni Blanche, kitang-kita kung gaano kahigpit base sa mukha ni Blanche na pilit na kumakawala sa kaniya.

Galit siyang naglakad palapit sa kanilang dalawa, "Get away from her!" anas niya at hinarap ang lalaki.

Pero nang makita ni Clover ang mata ng lalaki, parang bigla siyang nanlamig. Those bright red eyes. Her memories were blurred but she could somehow recall that such feature was mentioned in the novel. She almost had a chill when his bloody red eyes shifted on her, ominously.

"And who might you be? Are you aware of who I am?" And those soft but deep voice.

"Who cares about that?! What are you doing to Blanche?!" bulyaw niya. Kinakabahang kinalabit siya ni Blanche habang itinatawag ang pangalan niya, nanlalaki ang mga mata at sinesenyasan siya ng banta.

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon