CHAPTER 07

2.1K 125 7
                                    

CHAPTER 07

CLOVER'S POINT OF VIEW

"The Crown Prince of Amoret Kingdom, his Royal Highness Kinsley Amoret!"

Lahat ng tao ay nagsitinginan sa parehong direksyon, sa tingin pa lang ay mukha na siyang makapangyarihan. Sumunod ay tatlong lalaking na nakasuot ng magarbo at mamahaling suit. Matangkad rin ang mga ito at matikas ang katawan. Mukha silang madaling lapitan, lalo na iyong lalaking moreno na nasa bandang likod ng maputing lalaki. Iyong nasa gitna ay moreno, may edad na rin at may bigote.

"The King of Rajah Kingdom, His Majesty Vilfredo Rajah and his two sons. The Crown Prince, His Royal Highness Leon Rajah and Prince Felipe Rajah!"

Woah.

Lahat kami ay yumuko habang naglalakad sa pulang carpet ang mga ito. Ako naman ay umangat ng tingin para pagmasdan sila, na pinagsisihan ko naman noong napatingin sa akin iyong Crown Prince na si Leon Rajah. Kumunot ang noo ko nang kindatan ako nito saka ngumisi. Ngumiwi naman ako na ikinatawa niya ng mahina saka nagpatuloy sa paglalakad, sinundan ko naman siya ng tingin.

Magpasalamat ka't prinsipe ka kundi baka tinusok ko na ng tinidor iyang mga mata mo.

Sumunod na pumasok ang isang may katandaan nang lalaki na singkit at mestizo, nakasuot ng magarbong suit. Maayos ang itim nitong buhok at malinis. Kulay asul naman ang mga mata nito. Mataas rin ang cheekbone. May itsura rin ito, sa totoo lang kahit may edad ay kitang-kita pa rin ang kagwapuhan. Sobrang gwapo, nakakainggit. Chicks magnet yata si sir.

"And the King of Crest, His Majesty Hudson Crest!"

Sumalubong ang kilay ko nang may mapansin sa mukha nito. Napanganga ako kaunti nang mapagtantong may kamukha siya, pamilyar na pamilyar!

"Milady, are you alright?" Napalingon ako sa tabi ko, kay Irva, at saktong katabi niya lang si Devien kaya nakumpirma ko kung sino nga ang kamukha ng hari. Parehas ang katangusan at hugis ng ilong nilang dalawa, ang buhok ay parehas din ng kulay, maging ang mata!

Tsk! Kung hindi lang minor character itong si Devien, alam ko na sana lahat ng background niya.

Napalunok ako, "Uhm... y-yeah, I'm okay."

"Here's some tea, Milady," alok ni Irva saka ibinigay sa akin ang isang tasa ng tsaa. Dahil alam ko ang totoong intensiyon niya, nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa tsaang hawak niya.

"Irva, don't give me anything when I didn't ask you to," inis kong sambit. Baka nga may lason pa siyang nilagay diyan. Kaya ko lang naman siya hinahayaang maging personal maid ko ay dahil marami siyang alam tungkol sa ibang tao. Nobles, commoners, o kahit sino pa man.

"I apologize, Lady Rouge." Bumuntong-hininga ako at tinignan ang hari ng Crest Kingdom.

Minsan lang mabanggit ang kaharian ng Crest dahil umiikot lang naman sa isang tipikal na romansang storya ang nobela sa isang akademya. Nag-talumpati muna ang dalawang hari at iyong prinsipeng tagapagmana na si Kinsley. May sakit daw ang hari kaya siya muna ang pumalit. Umupo sila sa kanilang mga upuan pagkatapos.

Nagsimulang magtugtog ang mga musikero, iniwan muna ako ng Duke at Dukesa para kausapin ang ilang mga kakilala nila. Mamaya pa raw ang sayawan. Pakain-kain lang ako rito ng mga pastries habang nasa tabi ko naman si Devien. Lumingon ako sa kaniya saka nag-alok ng ice cream.

"You want?"

Umiling naman siya at ngumiti, "No, thank you, milady. I have to fulfill my duty on guarding you."

Sumalampak ang mga balikat ko. "Come on, bruh. You can do that while eating with me," kontra ko naman. "Eating with someone would make the foods more tasteful, so join me."

Why So Troublesome, Villainess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon