CHAPTER 09
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Huh?
Teka, teka, teka lang. Tama ba ang narinig ni Clover? Salamat? Paano nangyari 'yon? Nag-aral ba siya ng ibang lenggwahe? Pero sa pagkakaalam ni Clover ay puro ingles ang lenggwaheng ginamit ng mga karakter sa nobela, pati na rin si Blanche. Tangina, sumabog na yata ang utak niya!
"Nagsasalita ka ng tagalog?" tanong ni Clover. Nakita niya ang pagkagulat nito nang magsalita rin si Clover ng tagalog. May bahid ng pagtataka ang mga mata niya. "Nagsasalita ka rin ng tagalog?" pabalik na tanong ni Blanche.
"Marunong ka magtagalog?" Clover.
"Marunong ka rin magtagalog?" Blanche.
"Nagtatagalog ka?" muling tanong ni Clover na ibinalik rin ni Blanche, "Nagtatagalog ka rin?"
Umiling si Clover nang ma-realize na pabalik-balik lang sila ng tanong, "Saka na natin 'to pag-usapan, ilalabas muna kita dito." Inalalayan ni Clover makatayo si Blanche at hinila siya palabas ng pasilyo. Sinulyapan niya muna sina Devien na kasalukuyang tinatapos ang mga natitira, tatlo na lang. Nang makalabas na sila ay napagtantong nasa unang palapag ng palasyo ang iba pa, nakapalibot sa kanila ang mga kabalyero ng palasyo. May ilang kabalyerong duguan at walang malay, kagagawan iyon ng mga tulisan.
"Bring them to the underground prison!" utos ng Prinsipe Kinsley nang tapos na ang gulo. Nahagip ng paningin ni Clover si Irva, kasama ang Duke at Dukesa kaya nilapitan niya ang mga ito. Nang mapansin nila ang presensya niya ay bigla siyang niyakap ng Dukesa. "Oh, thank goodness! I'm so glad that you're safe, Rouge! I'd never forgive myself if anything happens to you."
Matapos yumakap ay humiwalay agad ito sa yakap at hinawakan ang naputol na buhok ng dalaga. "Dear, what happened to your hair?"
"Uh..." she sweatdropped, struggling internally how to make an excuse.
"It's a good thing you're safe, Lady Rouge," sambit ni Irva sabay ngiting matipid, sa mukha niya natutuwa nga siyang ligtas si Clover ngunit ang tono nito ay puno ng sarkasmo. Napansin niya naman iyon. Ang mga kabalyero ay hawak-hawak ang mga tulisang nakatali na ang mga kamay sa likod gamit ang lubid. Tumulong ang dalawang prinsipe sa Crown Prince ng Amoret, si Devien naman ay lumapit kay Clover. Napansin niya ang mga maliliit na hiwa sa mukha ni Devien.
Nang dumaan na sa harap namin ang mga tulisang nakasapakan ni Clover ay dali-dali silang lumingon at galit na tumitig sa kaniya. Lalong-lalo na 'yong dalawang lalaki na pinaghalik niya kanina. "You bitch! I swear, I'm gonna have my revenge on you!"
"How dare you do this to us?!" Clover smirked at him, causing for them to be more pissed. "Let go of me! I want to lay my fist on that woman!"
"Rouge, what did you do this time?" saad ng Duke habang seryoso at striktong nakatitig kay Clover. Napalunok naman siya sa kaba dahil doon. "Ah, I just fought with them. Nothing serious about it. But look at them, their reactions are quite entertaining, right?"
Nagbiro si Clover sa huli upang mawala na ang tensyon pero mukhang lumala pa. Pinanlakihan siya ng mata ng Duke, may bahid doon ang galit. "Entertaining, you say?! You find this entertaining?! Unbelievable!"
"You fought with them?!" bulalas ng Dukesa.
"How?! You don't even carry a sword!" anas naman ng Duke. Napakamot siya sa pisngi, doon niya lang napansin na may kaunting bahid ng dugo ang kaniyang kamao dala ng pakikipagsuntukan.
BINABASA MO ANG
Why So Troublesome, Villainess?
Historical FictionClover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject has dropped significantly. In order to save it, her English teacher asked her to read a novel and wr...