Bibigay na ang mga binti ni Agustin--iyon ang pakilala niya sa 'kin. Kung hindi ko siya inaalalayan, malamang na sumubsob na siya sa sahig ng maliit na hallway ng motel. Tahimik doon at malamlam ang ilaw. The walls are stained by loneliness and lust.
"Nahihilo ako," tatawa-tawang sabi ni Agustin. Nakainom siya. Hindi daw siya pala-inom, para daw sa kanya ay hindi masarap ang alak. Kaya lang daw siya uminom, para makalimot.
"Malapit na tayo," sabi ko, hirap na hirap siyang buhatin. Medyo payat kasi ako, hindi matipuno ang katawan. Siya ay medyo mabigat. Pero tinitiis ko ang bigat niya, 'wag lang siya bumagsak sa sahig. "Makakahiga ka na. Konting tiis na lang."
"Puta, nasusuka ako," sabi ni Agustin. Naitakip niya ang kamay sa bibig. Mula sa sikmura, umakyat sa bibig niya ang kinain niya kanina—calamares, buttered corn, hipon. Pinilit niya siguro ang sariling lunukin ang sariling suka, napangiwi siya. "Hayup, ganito pala malasing."
Tumawa ako nang mahina. "Sino ba naming nagsabi sa 'yo na masarap malasing?"
"Nakakalimot daw ang mga nalalasing eh," sabi niya.
Tumawa lang ako. Mawawalan na naman siya ng balanse kaya hinawakan ko ang kamay niya at ipinatong iyon sa dibdib ko.
"Humawak ka kasi," sabi ko. "Baka masaktan ka pa."
"Hahawak na," sabi niya.
Binuksan ko ang pinto ng silid na binayaran niya. May sinabi siya. 1211. 12 at 11. December 11. Anniversary nila ni Caloy. Parang gusto daw niyang magpapalit ng kuwarto. Even motel room numbers made him remember, sabi niya, Inglesero. Even motel room numbers hurt him.
Nakapasok kami sa silid. Isinara ko ang pinto, binuksan ang ilaw. Inalalayan ko siya hanggang sa ibagsak niya ang sarili sa kama. Nagtungo ako sa aircon. Binuksan ko iyon. Ilang sandaling hindi ako nagsalita, nakatalikod sa kanya. Ang naririnig namin ay ang hugong ng aircon. Mabilis na kumalat ang lamig sa buong silid.
"Maghuhugas na ako ng katawan," sabi ko. Lumingon ako sa kanya. "Para masimulan na natin."
Lumunok si Agustin. Tumitig sa mga mata ko. Tumango siya. "Sige."
Tinalikuran ko siya. Kinuha ang tuwalya at sabon na nakapatong na sa mesa sa tabi ng kama. Naglakad ako patungo sa banyo, pumasok doon at isinara ang pinto.
LUMALAMIG na ang buong silid. Niyakap koi ang sarili. Pinigil ang sariling isipin si Caloy.
My friends hired Ariston for me--Ariston ang pangalang sinabi sa 'kin ng lalaking ngayon ay nasa banyo. He was hired to make me forget Caloy. To make me realize na marami pang lalaki sa mundo—iba-iba siguro ang amoy, pero pare-pareho ang nasa pagitan ng mga hita. Pare-parehong nalilibugan, tinitigasan, nilalabasan, at hindi naman gaanong nagkakaiba ang lasa.
Pero pare-pareho ding hindi ako mamahalin.
I fought the urge to cry.
Ilang minuto din ang lumipas bago bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Ariston. He was naked. He was already having an erection. His manhood was bigger than Caloy's. Hindi pala pareho. It was different. It was unfamiliar.
Ngumiti si Ariston na parang nanunukso. Lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi. May dimples din si Caloy. Puwede bang huwag na lang ngumiti si Ariston? It makes me remember.
Silence fell upon us as gently as snow.
Ako ang bumasag sa katahimikan. Napasinok siya, kasunod ang mahinang pag-iyak. Inamin ko na ang totoo.
"Hindi ko pa kaya..." sabi ko sa nanginginig na tinig. "Hindi ko pa talaga kaya."
Nawala ang ngiti ni Ariston. Nagkaroon ng pag-aalala sa mukha niya. Was that a part of his act? His job? Was he trained to do this? To make him feel as if he cared?
"Mahal ko pa ang ex ko," sabi ko sa pagitan ng pagsinghot. "Mahal ko pa siya, puta siya."
They say getting drunk can drown the pain. That was wrong. Getting drunk is like setting a chained dog free. Most likely, pain would run outside and disappear for a while. But it would always return. It would return, because pain knows a home that would make it grow, even if it is no longer welcome.