20: SA UNIVERSE NA NAMBABAWI

68 8 0
                                    


KINAGABIHAN, nakatanggap ako ng message kay Sabel mula sa Facebook. Wala akong sinabi kay Caloy na naunang matulog. Nakaupo lang ako sa sulok ng kama, nakatingin sa mensahe ni Sabel.

I'm done being nice. Kung akala mo naagaw mo sa 'kin ang asawa ko at anak ko, you're wrong. Naipahiram ko lang sila sa 'yo. Ngayong naenjoy mo na ang bahay-bahayan n'yo at feeling mo babae ka na at hindi desperadang bakla, gagawin ko lahat para bumalik sila sa 'kin.

Bakla ka lang, Agustin. Hindi ka babae. Bakla ka lang. Alam mo sa sarili mo na sisirain mo ang buhay ng anak namin ni Caloy. Alam mo sa sarili mo na hindi ka magiging mabuting ina, kasi may titi ka. Hindi ka babae. Wala kang maternal instinct.

Kami ang totoong pamilya. Hindi kayo. Matagal nang may nangyayaring kaabnormalan sa bahay n'yo at hindi na 'yan dapat magpatuloy. Kasalanan 'yan sa Diyos, gaga ka. Kaya gagawin ko lahat para maitama ang pagkakamaling yan, Agustin. Hindi ako papayag na sirain mo ang mag-ama ko.

Nainis man ako, isang bahagi ng pagkatao ko ang natuwa. Alam ko na kaya niya sinasabi ang mga salitang iyon, kasi naiinsecure na siya. Kasi natatakot siyang umuwi siya sa Pilipinas para lang maging talunan. May isang bahagi ng pagkatao ko ang nagdiwang.

Binuksan ko ang Facebook ni Caloy. Tumingin sa Filtered Messages. Nagsend na naman ng mga mensahe si Sabel sa kanya.

Nababasa ba ni bakla mga message ko sayo?

Bakit kung umasta yong baklang yon, parang siya na ang nanay ng anak natin? Wala namang matris yang baklang yan. Siya ba ang nahirapan manganak? Siya ba ang umire? Nakakagigil siya.

Ikaw, Caloy? Alam mo namang bakla lang siya, di ba? Mas mapapaligaya ka ng babae. Mas tamang pumili ka ng babae.

Alam mo nagresearch ako. Nakakadiri ang mga bakla, sige ka. Baka paglaki ng anak mo, gahasahin siya ni Agustin.

Kasunod niyon ay nagpadala si Sabel ng iba't-ibang link ng mga news report tungkol sa mga bading na nangmomolestiya ng menor de edad.

"Ginawa niya 'yon?" sabi ni Ariston, may gigil sa tinig. "Napakasama ng babaeng 'yon."

Gusto niyang lasunin ang isip ni Caloy, kaya niya ginawa. Gusto niya kaming sirain, kasi sa isip niya, ang babae, puwedeng mag-inarte. Puwedeng mang-iwan ng responsibilidad at bigla na lang bumalik. Sa totoo lang, kahihiyan siya sa milyong-milyong mabubuting babae sa mundo. Pero gagamitin din niya ang pagiging babae niya para makuha uli ang pamilya niya.

Iwan mo ang baklang yan, Caloy. Kung ako sa yo. Hindi makakatanggi sa tawag ng laman yan. Baka molestiyahin pa niya ang anak natin. Mag-isip isip ka, Caloy. Mag-isip isip ka.

PAGKATAPOS ng gabing iyon, lumipas ang mga araw na hindi na nagchachat si Sabel. Hindi ko alam kung sumuko siya o ano, basta wala na akong mensaheng nakikita sa Facebook ni Caloy.

Paminsan-minsan, hinihiling niya na makasama niya si Ralph para maigala. Papayag si Caloy, pero wala pang dalawang oras, babalik na dahil iyak nang iyak ang bata. Hindi sila magkasundo.

Lumipas din ang dalawang linggo na akala ko, wala ng problema. Hanggang pagbabanta lang siguro si Sabel at walang kayang gawin para makuha sa 'kin ang mag-ama, kasi nga ayaw sa kanya ni Ralph. Pero nagkamali ako na isipin iyon.

Isang Sabado ng gabi, doon na nasira lahat. Si Ralph, nasa nanay ni Caloy. Kami lang ni Caloy ang nasa bahay at maghapon siyang tulog dahil sa pagod sa trabaho.

Abala ako sa pagluluto sa kusina nang narinig kong biglang bumukas ang pinto at narinig kong sumigaw si Sabel.

"Caloy, halika na!" sigaw niya. "Aalis na tayo sa bahay ng demonyong 'to!"

Agustin and Ariston's Versions of the Universe (COMPLETE)Where stories live. Discover now