...AT SA TOTOO lang, supportive sila sa 'min. Taray, no? Parang... weird. Sa Pilipinas naman kasi, ang definition ng healthy relationship, binabase sa sex organs. Ang concept ng family, isang tatay, isang nanay, mga anak.
Pero kami ni Caloy, sinuportahan kami ng parents namin. Both sides. Kapag pupunta ako kina Caloy, sasabihin ni mama ko, "Saan ka punta, sa asawa mo?" At si Caloy naman, kapag hinihintay akong dumating, tatanungin siya ng mama niya, "Hinihintay mo asawa mo?"
Asawa na niya ko. Hindi legal, siyempre. Ang problema kasi sa Pilipinas, ayaw maghiwalay ni Church at State. Secretly in a relationship sila, kahit dapat hiwalay talaga sila. Romeo and Juliet ang peg, star crossed lovers , them against the world. Pero hindi na iyon mahalaga. Lumipas na kasi ang dalawang taon na ako ang sumusuporta sa mag-ama, at ako na ang asawa ng ama sa mata ng lahat.
Minsan, pati sina mama, inaalagaan na din si Ralph. Balae na ang tawag sa parents ni Caloy. Ine-encourage kami magdate, sila na daw muna bahala sa bata.
Ide-date naman ako ni Caloy. Kakain kami sa labas, manonood ng sine. Minsan, nanonood kami, kinuha niya iyong kamay ko. Pinaghahalikan niya. Tapos, inilagay niya sa ibabaw ng pantalon niya. Sa dilim, nakita ko siyang nakangiti.
"Bastos," sabi ko.
"Hawakan mo lang etits ko," sabi niya sa malambing na tinig.
"Uy, bibig mo naman," sabi ko, nag-iinit ang magkabilang pisngi, tinakpan ang bibig niya.
Inalis niya ang kamay ko sa ibabaw ng bibig niya. Tumawa siya. "Nahihiya ka, eh asawa mo na 'ko?" sabi niya. "Natural, ipapahawak ko na sa 'yo etits ko."
"Caloy..." sabi ko na nananaway at nahihiya. Kinurot ko siya sa tagiliran.
Natawa siya uli. "Cute mo," sabi niya, sabay hinalikan ako. Sa mga labi. Iyon ang unang beses na hinalikan niya ako sa mga labi. At naisip ko, nagkaroon lang ba siya ng lakas ng loob na halikan ako dahil madilim? Nang magdikit ba ang mga lips namin, pumikit siya at inisip niya na si Sabel ang hinahalikan niya?
Umatras ako sa naisip pero hinabol niya ang mga labi ko at muling hinalikan. Doon, sa pumailanlang na sa buong sinehan ang una naming background music.
Now that I have you, everything just seemed so right. Now that I have you I'm aliiveee.
"Sintunado ka," komento ni Ariston.
Heh. Siyempre, para mas maimagine mo na nangyayari to sa universe na may background music ang buhay, dapat, kumanta ako. 'Wag ka ngang tumawa!
"Bahala ka na nga," sabi na lang ni Ariston.
Tinigilan niya akong halikan ng dumaan iyong security guard na may hawak na flash light.
"Istorbo," sabi ni Caloy, naiinis.
"Tama na kasi," natatawang sabi ko.
"Sige na nga," sabi niya na parang napipilitan. "'Patong mo na lang sa ibabaw ng ano ko 'yong kamay mo."
"Ano ba."
"Sige na..." sabi niya na naglalambing. "Ipapatong mo lang naman, eh. Maramdaman ko lang."
Wala akong nagawa, sumunod ako. Aaminin ko naman, isang bahagi ng pagkatao ko ang kinikilig. Sa edad kong iyon, twenty-three yata ako no'n doon lang ako makakahawak ng ano ng ibang lalaki--
"Seryoso ka?" gulat na sabi ni Ariston.
Kasi naman, conservative akong bading, 'no? Kala mo sa 'kin? Ayun nga, pinatong ko. Tapos ngising-ngisi siya, kasi ramdam ko 'yong ano niya, eh. 'Di na lang ako nagcomment. Natapos ang pelikula, palabas kami ng sinehan, bumulong siya, "Pinatigas mo ano ko, eh. Mahihirapan ako nito."