"AND NOW... after two months, here I am," pagtatapos niya sa kuwento niya. Malungkot ang kanyang ngiti pero walang luha sa kanyang mga mata. Nakatitig lang siya sa glow in the dark stickers sa kisame. "Wounded, pero somehow, alam mo, stronger."
Napangiti ako sa narinig kong iyon.
Tumawa siya nang bahagya. "Tapos na," sabi niya. "Naikuwento ko na."
"Kumusta?"
"Ang laki ng iginaan," sabi niya. Tapos ay tumingin siya sa 'kin. Sobrang lapit ng mukha niya na para akong nalalasing sa amoy toothpaste niyang hininga. "Lumipad tayo. Mangarap tayong lumipad."
Pero ayokong tumayo, magsuot ng tuwalya para gawing kapa at mangarap. Narito na ako sa tabi niya at higit pa 'to sa paglipad. Kaya nginitian ko lang siya, hindi na pinigilan ang sarili, pumihit patagilid at niyakap siya.
Hindi naman niya alintana iyon. Ang sabi niya, "Tara, gusto kong mangarap lumipad."
Pero hinigpitan ko lang ang pagyakap sa kanya. Hinigpitan ko lang hanggang sa halos magdikit na ang mga ilong namin, hanggang sa maintindihan niya na mas gusto kong yakapin siya. Humugot siya ng mas malalalim pang hininga kaya parang lalo na akong nalalasing.
Ngumiti siya, umangat ang kamay at hinaplos ang pisngi ko. "Salamat sa pakikinig," sabi niya.
Ipinatong ko ang isang kamay ko sa kamay niyang nakapatong sa pisngi ko. Ilang sandali ding gano'n lang kami, nagtititigan. Walang nagbabawi. Hanggang sa makita kong namimigat ang talukap ng mga mata niya, mga talukap na gusto kong halikan. Nang pumikit siya at naging payapa ang paghinga, nagkaroon ako ng tapang na dumukwang at bigyan ng magaang na halik ang mga labi niya. Mabilis ang tibok ng puso ko, at nang mga sandaling iyon na nasa bisig ko siya, doon ko nasiguro na siya ang Kuya Kenneth ng buhay ko. Siya ang sinasabi ni papa na one true love ko, isang tao na hindi ko dapat pakawalan.
Gagawa ako ng paraan para makalimot siya ng tuluyan at baka, sana, sa dulo ng kuwentong ito, kaming dalawa ang maging masaya.EXCITED ako nang makapagwithdraw ng unang sahod ko. Para akong bata na nakatanggap ng regalo sa Pasko.
Sa mall agad ako dumaan, nagpunta sa bookstore. Bumili ng mga libro. Mahilig si Agustin sa mga libro. Bumili ako ng mga libro, marami. Excited ako.
Dumaan ako sa bakeshop, ibinili siya ng cheese cake. Mahilig siya sa cheese cake, nasabi niya iyon sa 'kin. Ibinili ko siya ng instant spaghetti, maghilig siya doon. Ibinili ko siya ng chocolate milk, kasi puro chocolate milk ang ref. Nang makauwi ako sa bahay, halos hindi ko mabuksan ang pinto sa dami ng dala ko.
Mabuti na lang at nasa bahay siya nang araw na iyon. Kaya nakita niya ako nang umuwi, at natuwa siya nang makita ang mga dala ko. Lalo na nang ipakita ko sa kanya ang mga libro.
"Thank you, thank you," sabi niya, napapatalon pa. May ningning ang mga mata niya. "Never akong binilhan ni Caloy ng libro. Kaya thank you."
Lumapit siya sa 'kin, parang pinanggigilan na pinaghahalikan ang pisngi ko. Nag-init ang buong mukha ko, nakiliti ako sa bawat dampi ng mga labi niya. Hindi ko rin mapigilang mag-init ang katawan ko, hindi ko mapigilang mabuhay ang pagkalalaki ko. Pero higit doon, mabilis ang tibok ng puso ko at parang mapipilas ang pisngi ko sa kakangiti.
"Naka-ilang kiss ka na ah," pagbibiro ko. "Nangmamanyak ka na, eh."
Tumawa siya, malutong, masarap pakinggan. Kinuha niya sa isang paper bag ang libro at tiningnan iyon at napatalon. "Favorite ko 'to!" sabi niya. "Alam mo ba ang kuwento nito, may mag-ina na..."
Nagkuwento na siya, habang tulala lang ako sa kanya. Nang matapos siya ay may tinanong siya na hindi ko maintindihan. Ang nasabi ko na lang. "Mag-date tayo."