5: SA UNIVERSE NA PARANG DVD PLAYER 2

96 9 2
                                    


...siyang maglasing. Hindi naman siya masaway ng mga magulang niya. Paano, si Sabel, nagsinungaling. Hindi na siya kino-contact. Halatang tinakbuhan ang obligasyon. Masayang-masaya na nagpakalunod doon sa pera ng Amerikano.

Halos gabi-gabi siyang nakikipag-inuman. Minsan nga, alas onse ng gabi, pauwi na ako sa trabaho ko bilang teacher ng English sa Koreano, nakita ko siya sa kalsada. Sumusuka sa gutter.

Lumapit agad ako. Tumalungko sa tabi niya. Hinimas ang likod niya.

"Caloy... Caloy, ayos ka lang?"

Hindi nakasagot si Caloy. Sumuka pa siya nang marami. Nang halos maubo-ubo na lang siya, tumingin siya sa 'kin. Pinunasan ang bibig, agad na ipinulupot ang mga braso sa balikat ko.

"Nahihilo ako," sabi ni Caloy.

"Eh lasing ka, eh," sabi ko.

"Umuwi na tayo," sabi ni Caloy.

"Tara, samahan kita."

"Tirahin kita pag-uwi natin, ah."

Hindi man ako natuwa sa sinabi niya, hindi na lang ako nagsalita. Lasing siya, natural, hindi alam ang sinasabi.

Natawa naman siya. "Joke lang," bawi niya. "Alam ko namang hindi ka gano'n."

Tinulungan ko na siyang makatayo. Inalalayan ko siya, nakaakbay siya sa 'kin hanggang makarating kami sa bahay nila. Ang mama niya ang sumalubong sa 'kin.

"Diyos ko," sabi ng mama niya. "Akala ko hindi na uuwi 'yang buwisit na 'yan." Namaywang ito. "Saan mo nakita?"

"Sa kabilang street po. Suka nang suka."

"Hi, mama!" sabi ni Caloy, tumawa. "Ang ganda talaga ng mama ko, puwedeng artista. Kamukha ni Mommy Dionisia."

Binatukan ni Mama Tinay ang anak niya. "Hayup ka. Umayos ka at nakakahiya kay Agustin, ganyan ang ayos mo."

"Ayos lang 'yan kay Agustin," sabi ni Caloy, bumaling sa 'kin, humawak sa magkabila kong pisngi. "Mahal ako nito, eh. Hindi ako nito iiwan."

Nag-init yata buong mukha ko no'n. Nag-blush ako. Feel ko dapat bawasan ang contrast. Click, click, click.

"May contrast ba sa DVD?" tanong ni Ariston.

Ewan. Basta hiyang-hiya ako.

"Naku, masuwerte kang hayup ka, nandiyan si Agustin," sabi lang ng Mama Tinay niya. Bumaling sa 'kin. "Anak, pakitulungan ako sa lalaking 'yan. 'Di ko na alam ang gagawin diyan."

Pilyong ngumisi si Caloy, sabay sundot sa tagiliran ko. "Tinawag ka ng anak ni mama," sabi niya. "Manugang ka na niya."

Hindi ko na lang pinansin si Caloy. Katulong ang mama niya, nadala namin siya sa kuwarto niya. Naihiga namin siya sa kama. Tumulong ako kay Mama Tinay. Pinunasan namin ang mukha at katawan niya. Inabutan ng palanggana ng sumuka. Kinumutan. Tapos, pareho kaming nakatunghay sa kanya habang natutulog, nakaupo ako sa sulok ng kama.

"Iwan muna kita diyan, ipaghahanda na kita ng pagkain," sabi ni Mama Tinay.

"'Wag na po--"

"'Wag ka ng tumanggi, anak. Sige na. Diyan ka muna, bantayan mo siya."

Pagkatapos niyon ay lumabas na si Mama Tinay sa silid. Naiwan nga kami doon ni Caloy. Nakatingin ako sa kanya siya ay tulog na tulog.

Napangiti ako, napailing. Tapos ay umusog ako palapit sa kanya, marahang pinitik siya sa ilong.

"Tama ka," sabi ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal kita. Mahal na mahal."

Bumuntong-hininga ako. "At ayaw ko na makita kang nahihirapan."

Agustin and Ariston's Versions of the Universe (COMPLETE)Where stories live. Discover now